Sampal ni Maricel nakakawindang

Sa presscon ng Ang Sa Iyo Ay Akin (Book 2), ipinakita ng Diamond Star Maricel Soriano ang mga peklat niya sa tuhod, na dulot nga noong pagkakadapa niya habang hinahabol sa umaandar na sasakyan si Jodi Sta. Maria.

The post Sampal ni Maricel nakakawindang first appeared on Abante.

sampal ni maricel nakakawindang - Sampal ni Maricel nakakawindang
maricel 3 - Sampal ni Maricel nakakawindang

Sa presscon ng Ang Sa Iyo Ay Akin (Book 2), ipinakita ng Diamond Star Maricel Soriano ang mga peklat niya sa tuhod, na dulot nga noong pagkakadapa niya habang hinahabol sa umaandar na sasakyan si Jodi Sta. Maria.

Kitang-kita nga sa eksenang `yon na kahit may mga dugo na sa tuhod si Marya, itinuloy pa rin ang eksena. At yes, nag-iwan nga ng mga peklat `yon sa makinis na tuhod ng mahusay na aktres.

Anyway, kalat na nga sa social media ngayon ang eksena na sinampal ni Maricel si Iza Calzado, at sabi, kitang-kita raw ang matinding sakit na rumehistro sa mukha ni Iza.

Napasobra o napalakas nga ba ang sampal ni Marya kay Iza?

“Kung ano lang ang binigay na instruction ng direktor, ‘yon lang ang gagawin namin. Hindi puwede yung lalagpas ka doon.

“Sinampal ko si Iza, kasama `yon sa pagiging artista. Sabi nga ng iba, ay yung lipstick ni Iza, napunta sa kabila. Pero, kasama `yon sa trabaho,” paliwanag ni Marya.

Sa lakas nga raw manampal ni Maricel, at kung talagang sasadyain niya ang pananampal, mas matindi pa roon ang mangyayari.

“May direktor kami na dapat sundin. Hindi puwede `yung ikaw ang masusunod. Kung ano lang ang utos sa iyo, `yun lang ang gagawin,” saad pa ni Maricel.

Pero sabi nga, nakakawindang daw talaga kapag nasampal ka ni Maricel. Pero, maaaliw ka raw, at gugustuhin mo ring maranasan `yon, dahil bongga nga raw kapag natikman mong masampal ng isang mahusay na aktres. (Dondon Sermino)

The post Sampal ni Maricel nakakawindang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *