Sam, Anthony mala-pusa maglampungan

Halatang baliw na baliw si Sam Pinto sa dyowang basketbolista na si Anthony Semerad. Hindi na naawat pa ang sexy actress sa pagpapahayag ng kanyang pag-ibig sa machong atleta.

The post Sam, Anthony mala-pusa maglampungan appeared first on Abante News Online.

sam anthony mala pusa maglampungan - Sam, Anthony mala-pusa maglampungan
semerad 1 - Sam, Anthony mala-pusa maglampungan

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Sam, Anthony mala-pusa maglampunganHalatang baliw na baliw si Sam Pinto sa dyowang basketbolista na si Anthony Semerad. Hindi na naawat pa ang sexy actress sa pagpapahayag ng kanyang pag-ibig sa machong atleta.

Kamakailan ay nag-post si Sam ng kasiyahan sa monthsary nila ni Anthony na punung-puno ng kasiyahan, pag-ibig at pagpapasalamat sa basketbolista.

Nag-post nga ang aktres sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Anthony, na nakaupo sila sa harap ng dagat.

Sa caption ay sinabi ni Sam na hindi siya magsasawang gumawa ng mga alaala sa boyfriend.

Kinilig naman si Anthony at nag-comment ng “i love you baebyyy”.

Actually, pinoste rin ni Anthony ang parehong larawan sa kanyang IG at pareho rin ang caption.

Mababasa rin ang comment ni Sam ng “i love you”.

Sa totoo lang, humahabol sa patamisan sa social media ang magkasintahan na parang hindi madalas magkita. Umaapaw sa pag-iibigan ang dalawa na parang kulang ang isang araw na hindi sila nagpapalitan ng mga love comment.

Parang mga pusang naglalandian sa bubong kung magpalitan ng love notes ang dalawa.

Marlou bawal nang gamitin ang ‘Xander Ford’

Awa ang pinairal nina Vince at David ng Star Image Ma­nagement (SIM) kay Marlou Arizala para hindi nila tuluyang i-freeze ang kontrata nito ng tatlong taon sa kanila. Hinubad ng SIM kay Marlou ang screen name nitong Xander Ford para ibigay sa bago nilang discovery, kapag natapos na ang search para sa bagong Xander Ford.

Kinunan nang live ng “Abantelliling” ang pagpapa-audition ng SIM sa mga aspirant nu’ng Sabado sa office nila sa QC.

Sa panayam namin ni Dondon Sermino kina Vince at David, matapos na magpakumbaba at nangakong magbabago na si Marlou, hinanapan na ng dalawang manager ng trabaho sa showbiz ang nasabing talent.

Pero hindi na nila ibabalik pa ang dati nitong screen name na Xander Ford. Aminado ang dalawa na limitado ang financial resources ng pamilya ni Marlou, kaya tutulungan nila ang huli.

Nakiusap na rin ang ina nito na huwag bitawan at bigyan pa ng panibagong chance ang kanilang anak.

Samantala, iikot sa ibang key cities ang SIM para magpa-audition pa ng iba para sa bagong Xander Ford. Idadaan na lang sa online ang audition ng mga nasa abroad.

Pokwang sobrang mahal si K Brosas

Umaapaw na naman sa kasiyahan ang puso ni Pokwang sa pagkakaroon niya ng isang tunay na kaibigan kay K Brosas. Nagpasalamat nang husto si Pokie kay K sa Instagram post niya ng komedyante na naka-gown para sa pagdalo nito sa nakaraang awards night sa FAMAS.

Sinabi ni Pokwang na pinakiusapan niya si K na dumalo sa event para sa kanya dahil kasalukuyang nasa Hawaii pa siya para sa show at bakasyon na rin nila ng partner niyang si Lee O’Brian at anak na si Malia. At yes, pumayag si K na i-represent siya.

Bagama’t nabigong masungkit ang best actress trophy, parang nanalo na rin si Pokwang dahil sa kabutihan at tunay na friendship ni K. Hindi lang matalik na kaibigan, kundi pangalawang ina ng kanyang bunso ang turing ni Pokie kay K.

The post Sam, Anthony mala-pusa maglampungan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *