Sakit sa tiyan! ‘Abante Hahaha!’ puno ng halakhakan, okrayan, iyakan

Bongga at super kuwela ang kulitan na naganap sa “Abante Hahaha!” last Monday (April 1).

The post Sakit sa tiyan! ‘Abante Hahaha!’ puno ng halakhakan, okrayan, iyakan appeared first on Abante News Online.

sakit sa tiyan abante hahaha puno ng halakhakan okrayan iyakan - Sakit sa tiyan! ‘Abante Hahaha!’ puno ng halakhakan, okrayan, iyakan
Abante 2019 Abante hahaha - Sakit sa tiyan! ‘Abante Hahaha!’ puno ng halakhakan, okrayan, iyakan

Bongga at super kuwela ang kulitan na naganap sa “Abante Hahaha!” last Monday (April 1). Napuno ang Music Box (Timog, QC) at talagang nag-enjoy ang mga audience at umuwing nakangiti dahil havey na havey talaga ang okra­yan ng pitong komedyanteng nagpasiklaban nu’ng gabing ‘yon.

Tampok nga ang mga komedyanteng sina Inah Magenta, Wonder Gray, Ara Muna, Truman, Chuffa Mae, Dionisia Clara Dela Fuente at Kristal Colarina.

Unang sumabak ang tandem nina Inah Magenta at Wonder Gray na talagang umpisa pa lang ay naghatid na nang bonggang tawanan at namangha rin ang lahat sa taas ng boses ni Gray with matching pag-tumbling pa!

Sumunod naman si Chuffa Mae na may dala pang props at kinuwento ang kanyang panga­ngamuhan kasabay ng kanyang laugh trip jokes. Pagkatapos ay nag-tandem naman sina Truman at Dionisia kung saan havey na havey talaga ang pangongopya ni Dionisia sa mga boses ng Waze, ni Gus Abelgas, Aling Dionisia Pacquiao, at ni Pacman mismo, at marami pang iba. Bumilib ang mga audience sa pagpapakitang-gilas ng ko­medyante.

Sinundan naman ni Ara Muna na talaga nga namang pinaghandaan din ang gabing iyon dahil may pa-change looks pa siyang nalalaman, from rainbow wig, naging blonde hanggang pati natural hair na niya. Halakhakan din ang mga fan sa mga joke ng komedyante.

Huling nagpasabog naman ng katatawanan ay si Kristal Colarina na talaga namang kumikinang pa ang outfit na para bang siya ang star of the night! Bongga at talagang napa-HAHAHA niya talaga ang mga fan sa kanyang pangungulit. Well, suma total, puno ng halakhakan, kulitan, okrayan, at may iyakan din.

Siyempre, kasama ring nakipagkulitan ang tatlong special guest! Yes, dumating ang dalawa sa paborito ng masa na sina Ate Gay at Boobay na mas nagpadagdag ng enjoyment sa gabing iyon. Nagulat nga ang mga audience at talagang kita sa mga reaksyon nila na masaya silang dumating ang dalawang icon na komed­yante.

Handog ng dalawa ay ang kanilang mash-up songs na hindi talaga nagpe-fail mapatawa ang bawat audience.

Ang isa pang special guest ay si Patricia Javier na naghandog ng awitin para sa mga audience.

Well, umpisa pa lang ‘yan ng pasabog ng Abante at marami pang aabangan dito lang sa amin, kaya ugaliing tumutok sa Abante Tonite at Abante News Online sa social media. (Athena Yap)

The post Sakit sa tiyan! ‘Abante Hahaha!’ puno ng halakhakan, okrayan, iyakan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *