Sa Aug. 15 na ang show? Kris, Tulfo nagsama sa promo shoot ng TV5

Ang handler ni Kris Aquino na mula sa Cornerstone na si Tin Calawod ang nagkumpirma na nasa TV5 ang TV host para sa promo shoot ng ilalabas niyang show na Love Life With Kris.

sa aug 15 na ang show kris tulfo nagsama sa promo shoot ng tv5 - Sa Aug. 15 na ang show? Kris, Tulfo nagsama sa promo shoot ng TV5
abante tulfo - Sa Aug. 15 na ang show? Kris, Tulfo nagsama sa promo shoot ng TV5

Ang handler ni Kris Aquino na mula sa Cornerstone na si Tin Calawod ang nagkumpirma na nasa TV5 ang TV host para sa promo shoot ng ilalabas niyang show na Love Life With Kris.

Marami nga ang natuwa nang biglang dumating si Kris sa TV5 at nakasama pa o nakaharap pa ang superstar ng TV 5 na si Raffy Tulfo. Ang bongga nga raw makita na magkasama ang dalawa. At may mga nagwi-wish na sana ay magsama sa isang show ang dalawa.

Wala nang masyadong detalye na ibinigay si Tin Calawod sa publicist ni Kris. Pero sapat na nga `yon na malaman na tuloy na tuloy na ang show ni Kris, ang Love Life with Kris.

Ang dami ngang nalungkot nang biglang-bigla, matapos ilantad ni Kris ang mga detalye, o photos niya na gagamitin sana sa bagong show, ay inanunsiyo ng kampo, publicist ni Kris na hindi na nga raw ito matutuloy, mga ilang linggo na ang nakalipas.

Ito `yung panahon na biglang nag-deactivate si Kris sa Instagram. At kaloka nga na parang roller coaster ang emosyon ng mga fan niya na bawat linggo ay may mga pagbabago na nagaganap.

Pero ngayon nga, sure na nga ang pagtatrabaho ni Kris sa TV5. At ang date of airing na lang talaga ang medyo hindi pa masyadong malinaw.

May nagsasabi na sa August 15 na ang simula ng show niya, base raw sa pahayag ni Mr. Tulfo, pero meron ding nagsasabi na mula naman sa kampo ni Kris na sa Aug. 22 na talaga. At puwede ring mausog pa sa September 5, kung iiwas talaga sila sa tinatawag na ghost month.

Pero ang sure, Sabado pa rin ito nang hapon, na tulad noong unang inanunsiyo ni Kris sa kanyang Instagram, na kiyeme-kiyemeng naghanap siya ng ka-date tuwing hapon ng Sabado.

Anyway, tuwang-tuwa ang mga fan ni Kris, na after ilang taon, muli nilang mapapanood ang idolo nila. Good luck, Kris. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *