Sa Abante Live bukas: Garie sasagutin ang isyu kay Gabby

Bukas ay special­ guest ko sa Anything­ Goes online show ko ang anak ni Gabby­ Concepcion kay Grace Ibuna, si Garie Concepcion.­

The post Sa Abante Live bukas: Garie sasagutin ang isyu kay Gabby appeared first on Abante News Online.

sa abante live bukas garie sasagutin ang isyu kay gabby - Sa Abante Live bukas: Garie sasagutin ang isyu kay Gabby
Abante 2019 Garrie Concepcion - Sa Abante Live bukas: Garie sasagutin ang isyu kay Gabby

abante anything goes jun lalin 336x224 - Sa Abante Live bukas: Garie sasagutin ang isyu kay Gabby

Bukas ay special­ guest ko sa Anything­ Goes online show ko ang anak ni Gabby­ Concepcion kay Grace Ibuna, si Garie Concepcion.­

Ikinuwento nga ni Garie na 11 months pa lang siya ay nawalay na siya sa kanyang tatay.

Bale 14 years old na si Garie nang magkita ulit sila ni Gabby sa Los Angeles, California.­

Nang magkakilala na raw sila ng kanyang tatay ay na-explain naman nito ang lahat ng mga bagay-bagay na tinatanong niya sa sarili nang lumalaki siya at wala nga ang kanyang tatay.

Abangan din bukas ng 2:00PM ang sagot ni Garie kung inuusisa ba niya si Gabby tungkol sa mga nag­lalabasang issue tungkol dito!

Gretchen Fullido no comment sa pagbasura ng libel case

Dahil dismissed nga ang libel complaints­ ni Gretchen Fullido laban sa mga kasama­han niya sa ABS-CBN na sina Marie Lozano at Ces Drilon, tinext ko twice ang Star Patrol anchor ng TV Patrol para kunan ng official statement, pero hindi naman siya nag-reply.

Nakuha kaya ni Gretchen ang text message ko? Noon naman kasi ay nagre-reply siya kapag tine-text ko. Busy lang kaya? Well…

Anyway, si Marie naman,­ tatawagan ko sana para tanungin ang kanyang reaction sa pagkaka-dismiss nga ng libel complaint laban sa kanya ni Gretchen, pero may common friend kami na nagsabi sa akin ng, “Nasa hospital siya, nagpapatanggal ng mass sa right arm.”

Oh, no! I hope nothing serious naman sa mass sa right arm ni Marie at ma­ging okey sana ang lahat.

Snooky ganadong magtrabaho sa ‘Sahaya’

In fairness, ang bongga ng feedback sa role ni Snooky Serna sa bagong primetime series ng GMA 7, ang Sahaya.

May nagkuwento rin sa akin na sobrang saya ni Snooky dahil doon.

Sobrang ginaganahan nga raw si Snooky dahil sa mga naririnig na komento ng mga nanonood ng Sahaya.

Sa kasiyahan nga ni Snooky, haharap siya mamaya sa ilang entertainment press para ikuwento ang mga bagong pangyayari sa kanyang buhay.

May ia-announce kaya si Snooky tungkol sa kanyang relasyon sa boyfriend na si Mon Villarama? Well…

The post Sa Abante Live bukas: Garie sasagutin ang isyu kay Gabby appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *