Ryzza Mae todo hagulgol sa sinehan

Mugtong-mugto ang mga mata ni Ryzza Mae Dizon, at todo hagulgol talaga, habang nagla-lakad palabas ng sinehan.

ryzza mae todo hagulgol sa sinehan - Ryzza Mae todo hagulgol sa sinehan
Abante tnt ryza - Ryzza Mae todo hagulgol sa sinehan

Mugtong-mugto ang mga mata ni Ryzza Mae Dizon, at todo hagulgol talaga, habang nagla-lakad palabas ng sinehan.

Sinisisi nga niya sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa emosyon niyang ‘yon.

Yes, ganu’n nga ang reaksyon ni Ryzza Mae sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye”.

“Ang galing mo Papa Alden. Ang galing mo Ate Kathryn. Ang galing niyong lahat. Ang ganda!” sabi ni R­yzza habang patuloy na umiiyak.

“WAAAAAAAHHHH. FAWTHERRRRR @aldenrichards02 and ate @bernardokath Congratulations po. IM SO PROOOUD OF U FAWTHERRR. Ang galiiiing ang ganda panuorin nyo na po dabarkads ang #HelloLoveGoodbye,” caption pa ni Ryzza.

Aliw na aliw naman sa kanya ang mga artistang kasama sa “Hello, Love, Goodbye”.

“Hahahahahahahah ang cute mo bebe,” sabi ni Maymay Entrata.
“hahahahahahhahaha baby gurl!!!! napa-kacute moooo. love you!!!! @ryzzamaedizon_,” sabi naman ni Kakai Bautista.

“Omg i love you babby girlllll kooo,” hirit naman ni Love Abella.
Kaaliw, ha! (D­ondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *