Ryza gustong patayin ng mga fan ni Angel

Nababasa ni Ryza Cenon ang mga negative at pamba-bash na comments sa kanya sa social media. Na ‘yung iba, umaabot na sa puntong gusto siyang patayin na sa primetime series nila ni Angel Locsin na “The General’s Daughter.”

The post Ryza gustong patayin ng mga fan ni Angel appeared first on Abante News Online.

ryza gustong patayin ng mga fan ni angel - Ryza gustong patayin ng mga fan ni Angel
Ryza Cenon - Ryza gustong patayin ng mga fan ni Angel

Nababasa ni Ryza Cenon ang mga negative at pamba-bash na comments sa kanya sa social media. Na ‘yung iba, umaabot na sa puntong gusto siyang patayin na sa primetime series nila ni Angel Locsin na “The General’s Daughter.”

Kung dati, bukod sa galit ng mga manonood ay death threats ang natatanggap niya bilang si Georgia sa huling serye niya as Kapuso na “Ika-6 na Utos,” ngayon naulit na naman ito bilang si Jessie.

Galit na galit sa kanya ang ilang netizens talaga. Ilan sa mga tweets kay Ryza: “Hoy Ryza umalis ka na sa general’s daughter. P_ta ka babae ka sarap mo pakainin ng tae babae ka.”

Kaya sa Facebook account niya, napa-react na si Ryza sa pagsasabing, “Ito na naman tayo guys. Easy!!! Kalma ka lang.”

Sey pa niya, “Last time na makatanggap ako nito dahil kay georgia. Ngayon ito ulit kay jessie naman. Nice!!!”

May mga tweet na nakikiusap naman sa director ng TGD na patayin na raw si Ryza. Na baka tumaas daw ang dugo niya dahil kay Jessie at mauna pa raw siyang mamatay sa galit dito.

Sabi naman ni Ryza, “Wag ganun. Nagtatrabaho lang ako. Kapag pinatay character ko nganga na ko nyan.”

Marami naman ang nag-comment sa mga ni-repost ni Ryza, isa na rito ang co-star niya rin sa TGD na si Eula Valdez na isa lang daw ang ibig sabihin, kaya halos isumpa na siya ng mga ito ay dahil effective niyang nagagawa ang role niya.

Parang ‘di nanganak: Marian super sexy ulit

Pasabog ang lumabas na latest picture ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa social media.

Aba, e, halos isang buwan pa lang simula nang maipanganak niya si baby Ziggy o si Jose Sixto Dantes IV, eh itsurang hindi ito kapapanganak pa lang!

Ano nga ba ang sikreto ni Marian na kahit noong buntis, ‘di halos tumaba, walang mga dark spots o mga senyales ng babaeng buntis at heto, after just a month, eh ganda-gandahan at seksi-seksihan na?

Si Tristan Cheng ng Triple A ang nag-post ng picture ni Marian. At naka-caption na, “Marian Rivera is back! Parang hindi nanganak!”

Hindi nakalagay kung ano ang ginawa ni Ma­rian, pero may kutob kaming endorsement ito.

Natatawang kinorek naman agad ni Marian ang caption ng, “Tse! Hindi pa back! Just for today lang! Malakas lang kayo ni Ateng (Rams David) sa akin!”

Grabe, mommy goal talaga itong misis ni Dingdong Dantes! (Rose Garcia)

The post Ryza gustong patayin ng mga fan ni Angel appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *