Ryza gaya-gaya kay Scarlett Johansson

Kinakarera nang husto ni Ryza Cenon ang pagiging action star, na masisilip sa kanyang Instagram ngayon.

ryza gaya gaya kay scarlett johansson - Ryza gaya-gaya kay Scarlett Johansson
ryza x scarlet - Ryza gaya-gaya kay Scarlett Johansson

Kinakarera nang husto ni Ryza Cenon ang pagiging action star, na masisilip sa kanyang Instagram ngayon.

Nakapaskil sa IG ni Ryza ang martial arts training niya para sa serye na gagawin niya sa Sari-Sari channel at ipu-produce ng Viva TV.

Makikita sa video ang bilis at galing ni Ryza sa martial arts at stunt skills nito na parang isang totoong expert.

Hindi lang suntok at sipa ang ginawa ni Ryza sa training kundi nag-cart wheel pa ito. Mapapansing hindi original ang ilang mga martial arts movement ni Ryza na ginawa na ng ibang mga Hollywood at Chinese action star sa kanilang mga pelikula gaya ni Scarlet Johansson sa “The Avengers” series installment.

Anyway, hindi pa mapapahinga sa pag-a-action si Ryza matapos ang “The General’s Daughter” dahil may isa pa siyang action project na gagawin.

Bokya man sa love life niya ang aktres, panalo naman siya sa kanyang acting career. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *