Ryza Cenon bawal laswain, pantasyahin

Walang pakundangan at pag-aalinlangang ibinalandra ni Ryza Cenon ang kanyang pagiging ina. Nakaposte sa Instagram ni Ryza ang larawan na nagpapadede siya sa baby niya.

The post Ryza Cenon bawal laswain, pantasyahin first appeared on Abante.

ryza cenon bawal laswain pantasyahin - Ryza Cenon bawal laswain, pantasyahin
ryza 5 - Ryza Cenon bawal laswain, pantasyahin

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 300x180 - Ryza Cenon bawal laswain, pantasyahinWalang pakundangan at pag-aalinlangang ibinalandra ni Ryza Cenon ang kanyang pagiging ina.

Nakaposte sa Instagram ni Ryza ang larawan na nagpapadede siya sa baby niya.

Nakangiti si Ryza habang nakatingin sa dumedede niyang baby.

Isang pagpapakita ng wagas na kasiyahan na hindi matutumbasan ng pera.

Maingat si Ryza sa pagpapakita ng breast feeding session niya. Nakatakip ng t-shirt ang dibdib niya. Kaya walang dahilan para laswain ng mga manyak ang dibdib ng aktres.

Bawal na bawal laswain ng mga yakman ang sitwasyon ng isang ina na nagpapadede sa kanyang anak. Masyado namang kamanyakan na `yon.

Lea Broadway superstar pa rin

Nanatiling in-demand sa international scene si Lea Salonga kahit pandemya. Naimbitahan si Lea ng Broadway World para sa kanilang Christmas musical special kung saan tampok din ang isa pang Broadway star na si Joni Mitchell.

Ayon sa website ng Broadway World.com bahagi ng 12 Days of Christmas countdown ang gagawing show ni Lea para sa kanila.

Hanggang ngayon ay Superstar pa rin ang turing kay Lea sa Broadway, dahil “superstar of stage and screen” ang bansag ng Broadway world sa Pinay artist.

Nagpahayag sa kanyang tweet si Lea ng pagnanais niyang sana ay puwede siyang lumipad para personal na gawin ang show.

Sigaw ng mga Noranian: Matet walang silbing ampon

Patuloy sa pagresbak si Matet de Leon sa mga die-hard fans ng ina na si Nora Aunor. Ibinalandra ni Matet sa Instagram ang screenshot ng mga comment ng mga fan ni Nora kung saan mababasa ang batikos sa kanila ng mga ito.

Gaya noon ay ipinamumukha ng mga fan na kung hindi sila kinupkop at inalagaan ni Nora, hindi nila mararating ang maayos na estado nila ngayon.

Sinabihang “mga walang silbing ampon” sina Matet sa comment na siyang nagpainit ng dugo ng dating child star.

Pero sa halip na tumalak, sinarkastiko na lang ni Matet ang mga ito.

“Ang babait talaga ng mga “noranians” I love you all!!!!”

The post Ryza Cenon bawal laswain, pantasyahin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *