Ryza ayaw nang makita ang ex-BF na si Pocholo

Parehong nagbubuhay-single ang dating magkasintahang sina Ryza Cenon at Pacholo Barretto. Makikita sa posting ni Pocholo ang masayang bonding nila nina Angelica Panganiban sa Siargao kasama ang iba pang mga kaibigan.

The post Ryza ayaw nang makita ang ex-BF na si Pocholo appeared first on Abante News Online.

ryza ayaw nang makita ang ex bf na si pocholo - Ryza ayaw nang makita ang ex-BF na si Pocholo
ABANTE ryza - Ryza ayaw nang makita ang ex-BF na si Pocholo

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Ryza ayaw nang makita ang ex-BF na si PocholoParehong nagbubuhay-single ang dating magkasintahang sina Ryza Cenon at Pacholo Barretto. Makikita sa posting ni Pocholo ang masayang bonding nila nina Angelica Panganiban sa Siargao kasama ang iba pang mga kaibigan.

At si Ryza naman ay nag-e-enjoy sa Belgium kasama si Angel Locsin at iba pang cast ng “The General’s Daughter.”

Ibinuhos na talaga ni Ryza ang kanyang atensyon at dedikasyon sa kanyang karera matapos ang hiwalayan nila ni Pocholo nitong mga unang buwan ng 2019.

Bagama’t wala pang anumang official statement si Ryza sa rason ng break-up nila ni Pocholo, alam ng kanyang mga tagahanga na hindi naging maganda ang hiwalayan dahil bukod sa in-unfollow nila ang isa’t isa sa Instagram, burado na rin ang lahat ng mga larawan na magkasama sila.

Hindi na nga makikita sa photo gallery ni Ryza ang masaya at matamis na pinagsamahan nila ni Pocholo. Ganu’n din si Pocholo na tinanggal na ang lahat ng may kaugnayan sa kanila ni Ryza.

Lovi nanghinayang sa mga lumang building sa Maynila

Parehong nagpahayag ng kanilang pag-asam para sa kani-kanilang pinaniniwalaan ang mag-bestfriend na sina Lovi Poe at Heart Evangelista.
Isang lumang building sa London ang pinaskil ni Lovi sa kanyang Instagram wall para maging sentro ito ng nararamdaman sa mga centennial building sa Manila.

Sa caption ng photo, nagpahayag si Lovi ng kanyang panghihinayang na dapat sana’y kasing ganda ng pinoste niyang larawan ang mga lumang gusali sa Manila.

“If only buildings in Manila were as well preserved as this!” sabi ni Lovi.
Sa isang matandang lalaking pintor sa kalye naman ang naging sentro ng pag-asam ni Heart na sana ay mabigyan ito ng pansin. Naka-attach sa tweet ni Heart ang larawan ng isang matandang lalaki na may mga nakasabit niyang canvass o obra sa kalye.

Kinunan ito ng isang concerned citizen at nilagyan ng caption na nalulungkot ito sa kawalan ng proper venue ng mga local artist na gaya ni lolo na sa kalye lang nagpipintura, kaya umaasa itong mapapansin ang kanyang painting lalo’t ibinuhos nito ang passion niya sa trabaho.
Sumang-ayon naman si Heart at sinabihang mas deserve nito ang mas malawak at malaking pagpapahalaga.

The post Ryza ayaw nang makita ang ex-BF na si Pocholo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *