Ryle Santiago type ligawan si Pauline Mendoza

Gusto namin kung paano sumagot ang Hashtag member na si Ryle Santiago.

ryle santiago type ligawan si pauline mendoza - Ryle Santiago type ligawan si Pauline Mendoza
ryle - Ryle Santiago type ligawan si Pauline Mendoza

Ni Rose Garcia

Gusto namin kung paano sumagot ang Hashtag member na si Ryle Santiago. Actually, katulad din naman ng ibang artista kung tutuusin si Ryle na kapag ini-interview, hindi rin naman diretsahang umaamin. Pero may paraan siya ng pagsagot na hindi man umamin, hindi man nag-deny, pero may laman.
Napapansin namin na close sila ngayon ng Kapuso star na si ­Pauline Mendoza. ­Hindi naman itinanggi ni Ryle na close nga raw sila, magkasama sila sa isang ine-endorsong brand at magkasundo raw sila sa maraming bagay dahil pareho sila ng interes.
So sa diretsahang tanong kung nililigawan niya ito, mabilis at diretsong sagot niya rin na, “Hindi pa.”
Siya na mismo ang nagsabi na, “Hindi ko naman sinasabi na hindi ko gagawin o ginagawa­ ko na o hindi ko pa ginagawa, basta, natuto na ko sa ganyan.”­
Sabi pa ni Ryle, “­Pagod na ko sa ­ganyan.”
Ipinaalala namin kay Ryle na 20 taong gulang pa lang siya para mapagod. Natawa naman ito. Katwiran niya, para rin daw kasi siyang nagtatrabaho sa opisina dahil araw-araw rin ang work niya.
Eh, bakit sa lovelife, parang pagod na rin siya?
“Medyo,” ang sagot naman niya at saka sinabing ang lovelife raw, hindi na hinahanap, kusang dumarating.
Ang huling ­na-link kay Ryle ay ang ­Kapamilya star na si Kira Balinger. Okay naman daw silang dalawa. Pero ayaw raw niyang maging hadlang sa future nito.
“If people around her thinks na hindi kami dapat magka­roon ng relasyon, I respect that,” saad niya.
Nga­yon, bukod naman sa It’s Showtime at mga   shows tulad ng One Music at Wander Jams na si Ryle ang host, nagtatapos pa rin siya ng pag-aaral at ­kaka-renew lang din sa kanya ng Megasoft ­Hygienic ­Products kunsaan, siya ang ambassador ng ­Cherub Baby Care ­Products.
Mutual na happy pareho, ang V.P. for Sales and Marketing ng Megasoft na si Ms. Aileen­ Choi-Go at si Ryle mismo bilang ambassador nito kunsaan, mahigit sa 30 shows na ang napuntahan sa loob lang ng one year and eight months.
***
Simula na ­ngayong araw na ito ang ­Wagas sa GMA-7 tuwing 11:30 ng umaga, bago mag-Eat Bulaga at sa kanilang month-long episode. ­Unang salvo nga ang Wagas presents: ­Throwback Pag-ibig na pinagtatambalan muli nina Sunshine Dizon at Mike Tan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *