Ryan Bang type makipagrelasyon sa bading

Mukhang iba na talaga ang namumuong pagti­tinginan nina Ryan Bang at “It’s Showtime” dancer na si Stephen. Sa segment kasi ng ‘KapareWho’ ay si Stephen ang naatasan na magbigay ng cue-cards sa mga host at kapansin-pansin na tuwing parating na nga si Stephen ay kakaiba ang ngiti ni Ryan at medyo malagkit ang pagtingin sa dancer.

The post Ryan Bang type makipagrelasyon sa bading appeared first on Abante News Online.

ryan bang type makipagrelasyon sa bading - Ryan Bang type makipagrelasyon sa bading
bang - Ryan Bang type makipagrelasyon sa bading

Mukhang iba na talaga ang namumuong pagti­tinginan nina Ryan Bang at “It’s Showtime” dancer na si Stephen. Sa segment kasi ng ‘KapareWho’ ay si Stephen ang naatasan na magbigay ng cue-cards sa mga host at kapansin-pansin na tuwing parating na nga si Stephen ay kakaiba ang ngiti ni Ryan at medyo malagkit ang pagtingin sa dancer.

Agad ding pinansin ni Vice ang kinikilig na itsura ni Ryan sa tuwing makikita si Stephen with matching pagpikit pa talaga ang Koreano, kaya naman deretsang tinanong ni Vice kung okay ba kay Stephen ang ibang lahi na tulad ni Ryan na Koreano nga, at walang paligoy-ligoy na sinagot ni Stephen, “Okay na okay ang ibang lahi dahil cute siya.”

Binigyan naman ng pagkakataon ang dalawa na magpalitan ng tanong at una ngang nagtanong si Ryan na “Gusto mo ba ako?” Agad namang hinarang nina Vice Ganda at Vhong Navarro ang tanong na iyon at sinabing dahan-dahanin dapat ni Ryan ang pagtatanong. Kaya bilang kapalit sa unang tanong, tinanong na lang ni Ryan kung humahanap ba ng kaibigan si Stephen.

Sumagot si Stephen na, “Mukhang hindi ko na kailangang maghanap kasi malapit lang siya sa akin.” Naghiyawan ang madlang people sa sobrang kilig!

Sunod na nagtanong si Stephen kung okay lang ba kay Ryan na siya ay si Stephen.

Hindi pa na-gets ni Ryan sa una kaya klinaro ni Vice ang tanong na ibig sabihin ay tanggap daw ba ni Ryan si Stephen maging sino man ito. Deretsang sinagot naman ni Ryan na tanggap na tanggap niya ang dancer maging sino man ito.

Tuwang-tuwa si Vice para sa kanyang anak-anakan na si Ryan at sinabing okay naman siya kay Stephen para kay Ryan.

Anyway, ang pakulo kasi ni Vice Ganda ay isang bading si Stephen, at hanggang ngayon nga ay naniniwala ang madlang pipol na bading nga ito, bagama’t may iba na nagsasabing babae talaga ito.

So, kung bading si Stephen, game pala si Ryan na makipagrelasyon sa bading, ha! Kaya pala masaya si Meme Vice.

The post Ryan Bang type makipagrelasyon sa bading appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *