Russu vs Justin: Kakampi, kalaban ni Digong amoy giyera sa PBB

Nag-trending ang Pinoy Big Brother Housemate na si Russu Laurente dahil sa nakaraang issue tungkol sa ABS-CBN franchise.

The post Russu vs Justin: Kakampi, kalaban ni Digong amoy giyera sa PBB first appeared on Abante.

russu vs justin kakampi kalaban ni digong amoy giyera sa pbb - Russu vs Justin: Kakampi, kalaban ni Digong amoy giyera sa PBB
pbb 3 - Russu vs Justin: Kakampi, kalaban ni Digong amoy giyera sa PBB

Nag-trending ang Pinoy Big Brother Housemate na si Russu Laurente dahil sa nakaraang issue tungkol sa ABS-CBN franchise.

Bigla kasing lumabas ang tweet sa official twitter account ni Russu na makikitang nag-hashtag siya ng #YesToABSCBNShutdown, at sinabi pa niya na huwag umanong kantiin si President Rodrigo Duterte.

Nalinlang, naisahan nga ba ni Russu na isang certified DDS ang Kapamilya Channel?

Anyway, noong nagsimula ang online audition ng Pinoy Big Brother ay nag-ingay ang mga fan ng Dos na huwag hayaang makapasok ang mga naki-‘Yes To Shutdown’ dahil malaking kalokohan nga naman kapag pinayagan sila, samantalang kontra nga sila sa Channel 2.

Mababasa nga ang mga komento na ‘ang kapal mo Russu’ na reaksiyon ng mga fan sa kanya.

Samantala, nag-iingay na rin si Justin Dizon sa loob ng Bahay ni Kuya dahil sa asal niya. Si Justin ay kilalang kalaban ng mga DDS sa Twitter world at kabilang siya sa mga nangampanya noon na mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Anyway, humingi na ng tawad si Justin Dizon sa kanyang mga nabitawang salita kay Jie-Ann Armero kaugnay sa hindi madalas na pagligo ng kapwa housemate.

“I really lacked understanding na we don’t live in the same house. If ever you felt offended with those jokes, I wanna say sorry. I forgot to realize na iba tayo ng environment. I wanna say sorry because they were insensitive. I’ll try my best to be more sensitive with how you feel,” sabi niya.

Well, kaabang-abang nga ngayon ang bakbakan ng mga magkakalaban sa PBB. Sino kaya ang mananaig? Ang DDS na si Russu o DDS slayer na si Justin? Abangan! (Dondon Sermino)

The post Russu vs Justin: Kakampi, kalaban ni Digong amoy giyera sa PBB first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *