Ruru dinumog sa Ormoc

Naging matagumpay ang pagbisita ni Ruru Madrid sa Ormoc City, Leyte kung

The post Ruru dinumog sa Ormoc appeared first on Abante News Online.

ruru dinumog sa ormoc - Ruru dinumog sa Ormoc
ruru 1 - Ruru dinumog sa Ormoc

abante talbog joe barrameda 336x224 - Ruru dinumog sa OrmocNaging matagumpay ang pagbisita ni Ruru Madrid sa Ormoc City, Leyte kung saan naging bisita siya ng The One and Wan Supermarket. Tuwang-tuwa ang mga fan ni Ruru doon lalo na ang mga Rurunatic.

Sa video na pinost ni Ruru sa Facebook niya ay kitang-kita ang kasiyahan ng mga tao sa hapong iyon. Kaya hindi napanood si Ruru nitong nakaraang Sunday Pinasaya at medyo malayo rin ang Ormoc. Considering na paglapag mo sa Tacloban ay biyahe ka pa ng dalawang oras bago mo marating ang siyudad na sinasakupan ni Richard Gomez.

US teleserye mapapanood na sa GMA

Simula Lunes (Marso 25), dadalhin ng GMA FantaSeries ang mga manunuod sa mahiwagang kaharian ng Elven sa inaabangang American series na The Shannara Chronicles.

Base sa trilohiya ng The Sword of Shannara na isinulat ni Terry Brooks, sinusundan nito ang kuwento nina Amberle, Wil, at Eretria, at ang kanilang pakikipagsapalaran upang protektahan ang Elcrys. Ito ay isang matanda at mahiwagang puno na humahadlang sa pagpasok muli ng mga halimaw sa kaharian ng Elven.

Si Poppy Drayton ay si Amberle, isang Elven Princess at ang unang babae na natanggap bilang isa sa Chosen, isang grupo ng mga duwende na responsable sa pagprotekta at pangangalaga sa Ellcrys tree.

Si Austin Butler­ ang gaganap bilang­ Wil, kalahating duwende at kalahating tao, na bukod-tanging natira sa angkan ng Shannara.

Bibigyang-buhay naman ni Ivana Baquero si Eretria, isang babaeng mapanlinlang na mapatutunayan ang kanyang tunay na pagkatao sa paglipas ng panahon.

Subaybayan kung paano nila tutuparin ang kanilang misyon at poprotektahan ang kanilang kaharian, si­mula nga­yong Lunes (Marso 25), 8:20 am, sa GMA-7.

The post Ruru dinumog sa Ormoc appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *