Rumesbak: Angel ‘di kuntento sa pahayag ng DepEd

Naglabas na nga ng official statement at Department of Education tungkol sa paggamit at pagsasalarawan kay Angel Locsin bilang isang ‘obese’.

The post Rumesbak: Angel ‘di kuntento sa pahayag ng DepEd first appeared on Abante.

rumesbak angel di kuntento sa pahayag ng deped - Rumesbak: Angel ‘di kuntento sa pahayag ng DepEd
Angel Locsin 8 - Rumesbak: Angel ‘di kuntento sa pahayag ng DepEd

Naglabas na nga ng official statement at Department of Education tungkol sa paggamit at pagsasalarawan kay Angel Locsin bilang isang ‘obese’.

Bagamat hindi binanggit ang pangalan ni Angel, humingi sila ng pasensiya sa ‘concerned individuals which may have been offended or harmed by this incident.’

Nakiusap din sila na huwag tuligsain ang guro na gumawa nito. ‘We appeal to the public to spare him from any ad hominem attacks as this single mistake will not define him as a person’.

Pero, tila nakulangan si Angel sa pahayag na `yon o aksiyon na `yon ng DepEd, ha! Heto nga ang reaksiyon ni Angel.

“I don’t mind the insults. Cheap comments do not define who I am.

“I intended to ignore this issue, but when I read DepEd’s statement, aba teka lang.

“What bothers me most is apart from teaching incorrect grammar to the students, DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children. Anong mangyayare sa future kung ang mga kabataan ay tinuturuan ng pambabastos at pangungutya sa kapwa?” bungad na sabi ni Angel.

“This is the more relevant issue deped, that you should be held accountable and must correct. Sa inyo naka salalay ang pag asa ng ating milyon milyong kabataan.

“I am fortunate to have had teachers who values good manners and right conduct. Every child deserves to have teachers like them,” saad pa ni Angel na sa dulo ay nakalagay ang (will delete later).

Pinayuhan si Angel ng mga follower niya na huwag i-delete ang mensahe niyang ito, dahil marami raw ang matututo sa pangyayaring ito. (Dondon Sermino)

The post Rumesbak: Angel ‘di kuntento sa pahayag ng DepEd first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *