Ruffa tumanggi sa halikan kay Bobby

Gaano katoto na tumanggi si Ruffa Gutierrez na makipaghalikan kay Bobby Andrews sa isang teleserye?

The post Ruffa tumanggi sa halikan kay Bobby first appeared on Abante.

ruffa tumanggi sa halikan kay bobby - Ruffa tumanggi sa halikan kay Bobby
guttierez - Ruffa tumanggi sa halikan kay Bobby

Gaano katoto na tumanggi si Ruffa Gutierrez na makipaghalikan kay Bobby Andrews sa isang teleserye?

Ang chika kasi, wala naman talaga sa script ang eksenang halikan, pero sa taping nila, biglang sinabihan sila na magkakaroon ng halikan. Na ikinaloka nga ni Ruffa, at tumanggi talaga siya.

Well, understandable naman ang pagtanggi ni Ruffa sa halikan kay Bobby. Hindi nga naman nakalagay sa script, at hindi naman safe sa panahon ngayon.

Hindi ito usapin na nandidiri siya sa kapareha, kundi usapin ito sa pagsunod sa health and safety protocols.

Siyempre, hindi nga naman tama na magkaroon ng kissing scene sa panahon ngayon. Alam na alam naman natin kung paano nakukuha ang coronavirus, at `yon ay sa pamamagitan ng mga mata, ilong at bibig.

Bagamat sure naman na negative sila sa virus, dahil pareho nga silang nagpa-swab test bago sumalang sa taping, pero mas maganda na rin na maging maingat sa panahon ngayon. (Dondon Sermino)

The post Ruffa tumanggi sa halikan kay Bobby first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *