Ruffa todo kayod: Lorin sa Amerika magkokolehiyo

After March 14 (sa intimate wedding reception nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati) ay noong Saturday lang uli kami nagkita ni Lorin Gutierrez sa family bonding ng pamilya Gutierrez sa White Plains house nila.

The post Ruffa todo kayod: Lorin sa Amerika magkokolehiyo first appeared on Abante.

ruffa todo kayod lorin sa amerika magkokolehiyo - Ruffa todo kayod: Lorin sa Amerika magkokolehiyo
Lorin Gutierrez - Ruffa todo kayod: Lorin sa Amerika magkokolehiyo

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - Ruffa todo kayod: Lorin sa Amerika magkokolehiyoAfter March 14 (sa intimate wedding reception nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati) ay noong Saturday lang uli kami nagkita ni Lorin Gutierrez sa family bonding ng pamilya Gutierrez sa White Plains house nila.

Bati ko sa panganay ni Ruffa, “You’re so busy raw. Mas busy ka pa raw ngayong online lang ang classes n’yo?”

“Yes and I’m also busy rin kasi applying for college!” sey ng 17-year old ni Ruffa.

“What school?” pang-uusisa ko.

“In L.A. (Los Angeles, California),” sagot ni Lorin.

Sa abroad pala talaga gusto ni Lorin na mag-aral.

Kung matatandaan, sinamahan ko siya last year papuntang L.A. kung saan nag-take-up siya ng special summer course sa UCLA (University of California, Los Angeles).

Halos isang buwan din sa UCLA si Lorin at tumira siya sa dormitory doon at nang sumunod sa amin sina Ruffa at Venice (her younger sister), ilang beses lang namin siyang nakasama dahil kailangan pa rin naman na sa dormitory siya uuwi gabi-gabi.

Mukhang nagustuhan nga talaga ni Lorin ang sandaling pag-aaral doon, kaya sa L.A. pa rin siya nag-a-apply para sa kanyang college course.

No, wonder at sobrang nagsisipag si Ruffa sa pagtatrabaho dahil mas magiging magastos pa ang pagka-college ng kanyang panganay, huh!

Bukod nga sa showbiz works, marami ring mga business na pinaplano si Ruffa. Of course, para ‘Yon sa future nina Lorin and Venice.

Siyempre, ang Lola Annabelle Rama ni Lorin, bilib na bilib sa kanyang panganay na apo pagdating sa pag-aaral.

May time kasi na hindi nakakapunta sa family bonding nila si Lorin dahil busy sa homework.

Sabi nga ni Bisaya, “Ang sipag mag-aral ni Lorin!”

Anyway, wala si Ruffa sa family bonding nila noong Saturday dahil naka-lock-in taping siya para sa isang project ng Star Cinema.

Ang alam ko, this week ay mag-a-announce na ang ABS-CBN tungkol sa mga detalye ng project na ‘yon.

***

Jeron Teng ikukulong na sa Pampanga

Today ang alis ni Jeron Teng, pati ng team mates niya sa Alaska Aces para sa PBA games sa Clark, Pampanga.

Bale continuation lang ‘yon ng Philippine Cup ng PBA.

Like NBA, bubble rin ang tawag sa lock-in na ‘yon ng PBA.

Bale last week ay nakapag-swab testing na si Jeron at ang kanyang team mates.

Pati ibang PBA teams na kasali sa bubble ay nakapag-swab testing na at kinailangan silang mag-quarantine bago umalis pa-Clark.

May ibang PBA teams nga raw na nakaalis na pa-Clark kahapon.

Siyempre, excited si Jeron sa pagpapatuloy ng PBA games nila.

Ilang buwan din naman kasi silang natigil, kaya exciting daw ang first game sa October 11.

Siyempre, matinding health and safety protocols din ang ipapatupad na kailangan talaga nilang sundin!

Sabi nga pala ni Jeron, mami-miss daw niya ang kanyang pamilya, pati ang girlfriend na si Jeanine Tsoi.

Like the lock-in tapings and shootings kasi, pagpasok nila sa bubble ay walang labasan ‘yon hanggang sa puwede na nga silang umuwi.

Pero that’s the “new normal” ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Life goes on, kaya kailangang masanay na sa ganoon, huh!

Like us, Dondon (my dear editor), sanay na sanay na tayo na puro online lang ang presscons and tsikahan with the stars.

The post Ruffa todo kayod: Lorin sa Amerika magkokolehiyo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *