Ruffa sumabog sa galit: Lorin, Venice ‘di ko nirereto kay Pacquiao’

Naku, Dondon (my dear editor), maaga kaming magkausap kahapon ni Ruffa Gutierrez dahil tinanong ko siya kung kailan ang alis nila para sa family pre-Christmas trip ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice, plus her siblings and ilan pang mga kapamilya.

The post Ruffa sumabog sa galit: Lorin, Venice ‘di ko nirereto kay Pacquiao’ first appeared on Abante.

ruffa sumabog sa galit lorin venice di ko nirereto kay pacquiao - Ruffa sumabog sa galit: Lorin, Venice ‘di ko nirereto kay Pacquiao’
Ruffa - Ruffa sumabog sa galit: Lorin, Venice ‘di ko nirereto kay Pacquiao’

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 1 1 300x180 - Ruffa sumabog sa galit: Lorin, Venice ‘di ko nirereto kay Pacquiao’Naku, Dondon (my dear editor), maaga kaming magkausap kahapon ni Ruffa Gutierrez dahil tinanong ko siya kung kailan ang alis nila para sa family pre-Christmas trip ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice, plus her siblings and ilan pang mga kapamilya.

Noong Monday kasi ay nag-PCR swab test na sila na isa sa health and safety protocols ng island na pupuntahan nila. Sabi niya, bukas ang alis nila at family bonding nga ‘yon.

Sa Christmas eve, magkakasama naman sila sa White Plains house nila, pero ang gabing ‘yon ay para talaga sa mga taong kasama nila sa bahay at matagal na ring nagwo-work sa kanila.

Anyway, kung ano-ano pa ang napagtsikahan namin ni Ruffa hanggang sa umidlip muna ako bago mag-deadline.

Nag-alarm naman ako, pero nauna pa sa alarm ko ang mga text message ni Ruffa na gumising sa akin at naiirita siya.

May ibang nang-iintriga kasi tungkol sa pinost niya na pagdalaw nila sa bahay nina Senator Manny at Jinkee Pacquiao kamakailan.

Nag-dinner din kasi sila roon kasama ang kanyang nanay na si Annabelle Rama.

Actually, si Jinkee lang ang nakasama nila at nagkataon na nasa bahay rin si Jimuel Pacquiao, kaya nakasama siya sa dinner.

Natural, nandoon din si Jimuel, kaya nakasama rin nila itong nag-dinner, ‘noh?!

May ilang nang-iintriga kasi na “inirereto” raw niya ang mga anak na sina Lorin at Venice kay Jimuel.

Of course, parang bulkang sumabog si Ruffa, na naiintindihan ko naman kasi ni hindi pa niya ina-allow na magpaligaw ang dalawang anak niya.

Lalong hindi rin sila allowed na mag-boyfriend na hanggang wala pa silang 18 (which I’m sure pagtungtong ni Lorin ng 18 next year, sasabihin ni Ruffa na hindi pa allowed mag-boyfriend hanggang 21 naman).

“Hindi ko inirereto kay Jimuel o kahit kanino ang mga anak ko! Family friend namin ang mga Pacquiao. Noon pa, friends kami.

“We had a happy and wholesome dinner. Ni halos hindi nga nag-uusap ‘yung mga bata. Halos tahimik lang si Jimuel and my kids.

“Saka sa daldal namin ni Mommy, siyempre, halos puro kami nina Jinkee ang nagsasalita. Nagkukuwentuhan.

“Hindi ba puwedeng maging friends? Na family friends at hindi ‘yung gagawan ng ganyang intriga? Please!!!” sey ni Ruffa.

Anyway, nang makalmante si Ruffa, nilinaw niya ang maling akala na binitbit niya ang nanay na si Annabelle sa pagbisita nila ng kanyang mga anak sa bahay ng mga Pacuiao sa Dasmariñas Village, Makati City.

“Hilarious! Binitbit ko pa raw si Mommy, eh, kami lang ang isinama ni Mommy sa bahay nina Jinkee. Sila ni Jinkee ang magkausap at nagkataon na magkakasama kami nina Mommy, Lorin and Venice, kaya isinama kami ni Mommy.

“Masayang pagbisita at kumustahan lang ‘yon. Huwag na haluan ng intriga!” paglilinaw pa ni Ruffa.

O, ayan, malinaw na. Magki-Christmas na, give love na this season at tigilan na ang mali-maling akala. ‘noh?!

Ang iba kasi, maka-comment lang at walang magandang magawa sa buhay!

Tsuk!

The post Ruffa sumabog sa galit: Lorin, Venice ‘di ko nirereto kay Pacquiao’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *