Ruffa naimbyerna sa ‘sumabotahe’ kay Raymond

Ruffa naimbyerna sa ‘sumabotahe’ kay Raymond

Ang bongga ng post kahapon ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account about Opulence: Let Them Eat Cake na event ng kapatid niyang si Raymond Gutierrez.

ruffa naimbyerna sa sumabotahe kay raymond - Ruffa naimbyerna sa ‘sumabotahe’ kay Raymond
rufa - Ruffa naimbyerna sa ‘sumabotahe’ kay Raymond

Ang bongga ng post kahapon ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account about Opulence: Let Them Eat Cake na event ng kapatid niyang si Raymond Gutierrez.

“From nothing but a vision to what snowballed into an illustrious night filled with spectacular details – from the vignettes, to the cake spreads, visuals, cake stage, choreography, music and to the program itself. To say that everything is curated would be the understatement of the millennium.

“Each producer brought in their signature style and approach: @mond (aka the mastermind) with his majestic, larger than life vision which @ash_ryehelped streamline, polish and handle; and with @labellefete’s curation and coordination, the concept was executed with its line-up of stellar suppliers.
“CONGRATULATIONS for setting the standard so high! To the one who tried to sabotage my brother but FAILED miserably, please stop calling everyone. Were you part of the roll call? My advice to @mond and everyone who has a so-called friend that is trying to dim your shine, ALWAYS BE MAGNANIMOUS IN VICTORY. Keep working hard, stay focused and surround yourself with those who believe in you. THANK YOU to ALL the suppliers, performers, sponsors, staff and crew. What an amazing night indeed!”

At inisa-isang pinasalamatan ang mga tumulong sa team ni Raymond sa tinaguriang “Halloween Event of the Year” na yes, magiging annual event na, huh!

Ang bongga lang ng pagiging supportive ni Ruffa sa kapatid. Basta for Raymond, nakahanda siyang dumipensa at maging matapang!

Ang bongga!

***

Feisty nanay naisahan, nalinlang ng dyowa ng anak

Speaking of Opulence, naaliw ako sa kuwento tungkol sa isang “eksena” sa event na ‘yon. Alam ng lahat na hate ng isang feisty showbiz personality ang boyfriend ng anak niyang aktres.

Karamihan sa mga um-attend sa event na ‘yon ay hindi mo makikilala dahil naka-costume. Ang iba ay naka-wig pa at may maskara.

So, may mga kumakaway, bumabati kay feisty showbiz personality na kinakawayan naman at binabati rin niya.

Si Alice Dixson nang bumati sa kanya, ipinagtanong pa niya sa mga katabi kung sino dahil hindi niya namukhaan.

“Ang daming bumabati sa akin na hindi ko mamukhaan. Kapag nag-‘Hi!’ at ‘Hello!’ ay panay ‘Hi’ at ‘Hello’ ko rin. Hindi naman nagpapakilala ang iba.

“May isang kumaway sa akin, kaya kumaway rin ako. Maya-maya lang, lumapit na sa akin si (pangalan ng kanyang anak). Sabi, ‘Ma, ano’ng balita?’ Sagot ko naman, ‘Anong ano’ng balita, eh, nakaupo lang naman ako rito! Anong balita ba ang gusto mo?’

“‘Tapos sabi na lang sa akin ng mga katabi ko, ‘Tita, kaya ka tinatanong ng anak mo kung ano’ng balita dahil si (boyfriend ng anak niya) ‘yung kumaway sa ‘yo kanina, hindi mo nakilala dahil sa kulay ng buhok at maskara!’ Tatawa-tawa ‘yung nagsabi sa akin, si P_ (tawag niya sa boyfriend ng anak) na pala ‘yung kumaway sa akin, kumaway naman ako dahil hindi ko nga nakilala.

“Akala yata natuwa ako, ‘noh?!” sey pa ni feisty showbiz personality na nairita sa “eksenang” ‘yon.

Naku, naisahan siya! Hahaha!

Ay, ayoko palang tumawa at baka sa akin siya mairita. Hehehe!

Naku, Dondon, stop laughing. Hahaha!

***

Showbiz mom ayaw patulan ang nanlait sa anak

Ayaw namang patulan ng isang actress/showbiz mom ang isang fan na nam-bash sa kanyang anak dahil sa isang young actor. Bakit daw niya papatulan ang unknown fan na hindi nga sure kung tunay ba ang social media account.

“Pasisikatin ko pa siya!” sey na lang ni actress/showbiz mom.

Pero kung kilala niya mismo ang mamba-bash o magtataray sa kanyang anak, ‘yun, siguradong makakatikim ng kanyang katarayan dahil she’s like her well-known showbiz mom din na feisty, huh!

For her family, hindi basta uurungan ni actress/showbiz mom ang mang-aapi sa kanila, pero gusto niya, magre-react siya kung kilala niya at hindi ‘yung mga fan na may mga fake account naman na walang ginawa kundi mam-bash ng mga celebrity.

Well, tama lang naman, why will you fight with someone na hindi mo naman basta mati-trace dahil troll account naman, ‘noh?!

Tama, Dondon? Ang bongga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *