Ruffa muntik ‘makulong’ sa isla

Last weekend, nakapag-Balesin Island si Ruffa Gutierrez at ilang mga kaibigan. Hanggang Tuesday lang dapat sila sa lugar na ‘yon, pero nang kumustahin ko siya that day ay sinabing, “We are stuck here. MECQ na sa Metro Manila.”

ruffa muntik makulong sa isla - Ruffa muntik ‘makulong’ sa isla
Ruffa - Ruffa muntik ‘makulong’ sa isla

Jun Lalin Anything Goes 13 300x200 - Ruffa muntik ‘makulong’ sa islaLast weekend, nakapag-Balesin Island si Ruffa Gutierrez at ilang mga kaibigan. Hanggang Tuesday lang dapat sila sa lugar na ‘yon, pero nang kumustahin ko siya that day ay sinabing, “We are stuck here. MECQ na sa Metro Manila.”

Cancelled nga ang domestic flights sa airports sa Pasay City kung saan located ang hangar ng private flights papunta at pabalik ng Balesin Island.

“So, sa Balesin Island na kayo hanggang matapos ang MECQ?” tanong ko sa isa sa stars ng “Love Thy Woman” ng Kapamilya network.

“We are going home today via Clark daw. Stressed!” sagot niya noong Tuesday. “Everyone needs to vacate the island.”

Later that day, tinanong ko si Ruffa kung nakauwi na sila?

“No. We are stranded. We need to wait until tomorrow!” sabi ni Ruffa.

Pero ang bongga lang ng management ng Balesin Island dahil asikaso ang kanilang mga guest at hindi sila nag-charge for the extra night of accommodation, huh!

Noong Wednesday naman, si Ruffa pa ang unang nag-text sa akin.

“Hellooooo there. Ano’ng balita, Jun? We are still in Balesin,” sabi niya.

What time ang alis n’yo ng Balesin Island?

“We’re leaving 10:00AM. Sure na. Jumping in the shower now!” nagmamadaling tsika ni Ruffa.

Nang makatsikahan ko uli si Ruffa, nasa plane na sila at paalis na.

According to Annabelle Rama naman, susunduin ng driver niya si Ruffa sa hangar sa Pasay City at ihahatid sa bahay ng panganay niyang anak.

Bandang 3:00PM, nakatsikahan ko uli si Ruffa at nasa bahay na raw siya.

“Yes, I’m home. Just arrived. Resting,” sabi niya.

At least, nakauwi rin siya at sa bahay lang daw siya habang MECQ dahil sabi nga ng “Love Thy Woman” co-star niyang si Kim Chiu, “BAWAL LUMABAS!”

Hehehe!

***

Kim Chiu gagawa ng ‘Bawal Lumabas 2’

Speaking of Kim, close pala sa kanya ang “TV Patrol” showbiz anchor na si Gretchen Fullido. Pinost ni Gretchen noong Wednesday sa kanyang social media accounts ang pictures nila ni Kim at ng kasama nilang si Leng Nicolas nang sumali sila sa Aguila Ironman 70.3 PH two years ago sa Cebu.

Bahagi pa ng caption ni Gretchen sa pictures nilang tatlo, “Miss you girls and I miss training & swimming. Hugs to all the triathletes, athletes & sports enthusiasts. Sa bahay muna tayo mag training para safe always.

“PS. Kimmy gawa ka na ng Bawal Lumabas remix part 2 (with smiling emoji) Joke lang (with smiling and peace sign emojis).”

In fairness, nagagawang biruin si Kim tungkol sa “Bawal Lumabas” na ‘yon dahil kahit binash-bash tungkol doon ang girlfriend ni Xian Lim ay nagawa niyang magpaka-positive tungkol doon at ginawa pang kanta at nakagawa pa ng mga merchandise na ang kinita ay ipinangtulong ng aktres sa mga nangangailangan na affected ng COVID-19 pandemic!

Nice!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *