Ruffa, Jordan hiwalay na

Hindi lang ako sure kung nakabalik na sa Maynila si Ruffa Gutierrez from Cebu kung saan siya bumoto kahapon. Siyempre, kasama roon ni Ruffa ang kanyang pamilya lalo na ang nanay niyang si Annabelle Rama.

The post Ruffa, Jordan hiwalay na appeared first on Abante News Online.

ruffa jordan hiwalay na - Ruffa, Jordan hiwalay na
RUFFA GUTIERREZ - Ruffa, Jordan hiwalay na

abante anything goes jun lalin 336x224 - Ruffa, Jordan hiwalay naHindi lang ako sure kung nakabalik na sa Maynila si Ruffa Gutierrez from Cebu kung saan siya bumoto kahapon. Siyempre, kasama roon ni Ruffa ang kanyang pamilya lalo na ang nanay niyang si Annabelle Rama.

Lately, sobrang tsika ang mag-ina at tila hindi na sila nag-aaway, huh! Dahil kaya sa tsikang boyfriend-less na ngayon si Ruffa? Na si Jordan nga?

Hindi ko na inuusisa si Ruffa tungkol sa kanyang love life, pero ang mga malalapit sa kanya, lalo na ‘yung mga ibang kaibigan niya ang nagsasabing bored na raw ang aktres sa kanyang love life.

‘Yun kaya ang dahilan kung bakit palaging masaya na si Bisaya at palagi silang bonding na mag-ina? Posible!

Piolo ginastusan ang career ni Ria

Ang bongga naman at may pinoprodyus palang series sa iWant digital platform ng ABS-CBN si Piolo Pascual. Isa sa mga magbibida sa series na ‘yon ay si Ria Atayde, ang dalaga ni Sylvia Sanchez.

Nakapag-start na sa project na ‘yon si Ria at sobrang excited siya. Tuloy-tuloy na naman daw ang pag-aartista ni Ria at bukod sa iWant series na ‘yon ay may iba pa siyang pro-jects na sisimulan.

Kahapon nga pala ay lumipad pa-Isabela si Ria kung saan siya registered voter. Kahit malayo ang Isabela ay umuwi pa rin siya doon para ma-kaboto.

Ngayon ang balik ni Ria ng Maynila dahil may taping daw siya para sa kanyang iWant series.

‘Kadenang Ginto’ tsutsugiin na?

May thanksgiving presscon ang “Kadenang Ginto” on Friday. Ano kaya ang ia-announce nila?

Tatapusin na ba ang afternoon series na pinagbibidahan nina Beauty Gonzales at Dimples Romana sa ABS-CBN?

O baka naman ang ia-announce ay mas pahahabain pa sila? Anyway, type na type ng mga fan ang awayan ni Beauty at Dimples sa “Kadenang Ginto,” huh!

The post Ruffa, Jordan hiwalay na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *