Ruffa ‘di nakapalag sa ka-date ni Lorin

Noong Saturday night ang prom night ni Lorin, panganay ni Ruffa Gutierrez. Mala-stage mother si Ruffa na nagpapasalamat sa lahat ng mga pumupuri sa kagandahan ni Lorin, huh!

The post Ruffa ‘di nakapalag sa ka-date ni Lorin appeared first on Abante News Online.

ruffa di nakapalag sa ka date ni lorin - Ruffa ‘di nakapalag sa ka-date ni Lorin
ABANTE ruffa G - Ruffa ‘di nakapalag sa ka-date ni Lorin

abante anything goes jun lalin 336x224 - Ruffa ‘di nakapalag sa ka-date ni LorinNoong Saturday night ang prom night ni Lorin, panganay ni Ruffa Gutierrez. Mala-stage mother si Ruffa na nagpapasalamat sa lahat ng mga pumupuri sa kagandahan ni Lorin, huh!

May ka-date si Lorin that night, pero hindi kailangang mag-react ni Ruffa dahil ang panganay na niya ang nagsabing hindi naman solo date ‘yon dahil parang group date sila ng kanyang mga kaibigan.

In fairness, wala pa akong naririnig tungkol sa love at mukhang malayo pa sa isipan ‘yon ni Lorin, huh! Ayaw ni Lola Annabele Rama!

***

Pops, Martin nakakakilig ang eksena sa ‘Feelennial’

Dinumog ang premiere night sa SM Megamall ng “Feelennial (Feeling Millennial)” na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agba-yani na produced ni Pops Fernandez.

In fairness, hindi binigo nina Pops at Martin Nievera ang mga fan nila na nagpunta doon dahil nagsama sila sa isang stage, huh!

Dapat ding panoorin ng Pops-Martin fans ang “Feelennial” dahil may surprise sa ending ng pelikula.

Pareho kasing guest sa pelikula sina Pops at Martin at bongga ang mga eksena nila, ‘noh?!

Anyway, dumating ang buong pamilya ni Pops sa premiere night ng “Feelennial” sa pangunguna ng nanay niyang si Dulce S. Lucban (DSL), Robin and Ram Nievera, pati ang ilang friend niya katulad ni Cora Rodrigo (wife of PBA legend and Bulakan, Bulacan Mayor-elect Vergel Meneses), Congresswoman (and now Sta. Rosa, Laguna Ma-yor-elect Arlene Arcillas), Jojie Dingcong at iba pa.

Siyempre, nandoon din si Mayor Chavit Singson at ang Cignal big boss na si MVP (Manny V. Pangilinan). Masayang-masaya si Pops, pati si Direk Retchie del Carmen, sa mga papuri ng mga nakapanood ng pelikula.

Ang galing nina Ai Ai at Bayani, kaya sabi ko kay Pops, tiyak na may staying power sa takilya ang “Feelennial” at asahan na magiging box-office success ito dahil sa word of mouth!

Ipinalabas sa premiere night ng “Feelennial” ang trailer ng “Family History” nina Michael V at Dawn Zulueta. Hindi comedy ang pelikula based sa trailer.

Drama pala ito. Sana magustuhan ng mga fan ni Michael na gusto siya bilang comedian!

The post Ruffa ‘di nakapalag sa ka-date ni Lorin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *