Ruffa, Aiko, Carmina nangangamoy reunion sa Regal

Two Saturdays ago bago siya sumalang sa ‘reunion’ nila nina Carmina Villarroel at Aiko Melendez sa Facebook page at YouTube channel ng una, napagtsikahan pa namin ni Ruffa Gutierrez ang last project nila ng misis ni Zoren Legaspi.

The post Ruffa, Aiko, Carmina nangangamoy reunion sa Regal first appeared on Abante.

ruffa aiko carmina nangangamoy reunion sa regal - Ruffa, Aiko, Carmina nangangamoy reunion sa Regal
t3 - Ruffa, Aiko, Carmina nangangamoy reunion sa Regal

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - Ruffa, Aiko, Carmina nangangamoy reunion sa RegalTwo Saturdays ago bago siya sumalang sa ‘reunion’ nila nina Carmina Villarroel at Aiko Melendez sa Facebook page at YouTube channel ng una, napagtsikahan pa namin ni Ruffa Gutierrez ang last project nila ng misis ni Zoren Legaspi.

Sabi ko kasi kay Ruffa, nagkasama sila ni Carmina sa ‘Multo’ episode ng ‘GMA Telesine’ na ang second day ay kinunan pa nila sa San Miguel, Bulacan.

Bale noong 1999 ‘yon at natatandaan ko pa na sumunod ako sa location nila at dinalhan ko pa sila ng Starbucks mocha frappuccino.

Tapos kagabi nga, ni-reply ang episode na ‘yon sa ‘Telesine Presents’ ng Kapuso network.

Nang may mag-post nga sa Instagram ng tungkol sa ‘Multo’ project nila ni Carmina ay nabanggit sa akin ni Ruffa na, “How exciting!!! My gosh soooo long ago. I’ll promote it nga.”

Sa kuwentuhan din namin ni Ruffa at naikuwento niya na napag-usapan nila nina Carmina at Aiko ang posibilidad na magkaroon sila ng reunion project.

Kung matatandaan, na-launch ang grupo nila sa ‘Underage Too’.

Maganda siguro kung magkakasama sila uli sa isang pelikula at makakasama naman nila ang kanilang mga anak.

What do you think, Dondon (my dear editor)?

Anyway, abala ngayon si Ruffa sa kaliwa’t kanang promotion ng ‘Love Thy Woman’ ng Kapamilya Channel dahil last two weeks na lang sila.

Sobrang happy raw ang cast sa balitang sinusundan talaga ng mga fan ang kanilang teleserye kahit waka sila sa free channel.

Sobrang click nga kasi ang ‘linyahan’ sa mga eksena ng ‘Live Thy Woman’ kaya bukod sa Kapamilya Channel ay pinapanood sila sa iWant app, YouTube, Facebook, TFC (The Filipino Channel) at TFC.tv.

Ang bongga!

Oo nga pala, sa Thursday ipapalabas ang guesting ni Ruffa sa ‘Chika, BESH!’ morning talk show nina Pokwang, Ria Atayde at Pauleen Luna sa TV5.

Naaliw si Ruffa sa dialogue sa kanya ni Pokwang nang mag-taping sila.

Pagkatapos kasing mag-spiel ni Ruffa nang ipakilala siya ng mga host, biniro siya ni Pokwang na huwag niyang masyadong galingan at baka mawalan ito ng trabaho.

Naging tsika-tsika rin sina Ruffa at Pokwang nang magkasama silang dalawa sa isang pelikula ng Regal Entertainment.

Martin, Vicki balik concert sa FB

After maudlot ang online show nila last week dahil sa pagkamatay ng isang kapamilya, mamaya ay tuloy na tuloy na uli ang ‘Martin in the House’ nina Martin Nievera at twin-sister niyang si Vicki Nievera.

Mamayang 9:00PM nga, kakanta at makikipagtsikahan na uli sina Martin at Vicki sa official Facebook page ng una.

Sabi ni Martin, promise naman niya na hanggang hindi pa bumabalik sa normal ang lahat dahil nga sa COVID-19 pandemic, hanggang kaya rin lang nila, mag-o-online show pa rin sila ni Vicki.

Gusto ni Martin na makapagbigay saya sa kanilang viewers at makalimutan ng mga ito kahit paano ang kalungkutang dulot ng pandemya.

And in fairness, nae-enjoy rin ng “quaran-twins” ang online show na ‘yon.

Alam n’yo naman si Martin pagdating sa mga fan, ayaw niyang magdamot, kaya nga nag-o-online show siya!

Nice!

The post Ruffa, Aiko, Carmina nangangamoy reunion sa Regal first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *