Rufa Mae insecure sa mga baguhang komedyante

Sa muling pagbalik ni Rufa Mae Quinto sa pelikula via “And Ai Thank You”, muli silang nagkasama ng Comedy Queen na Ai Ai delas Alas na nakasama niya sa mga pelikulang “Booba” noong 2000 at “Pasukob” noong 2007.

rufa mae insecure sa mga baguhang komedyante - Rufa Mae insecure sa mga baguhang komedyante
ABANTE rufa - Rufa Mae insecure sa mga baguhang komedyante

Sa muling pagbalik ni Rufa Mae Quinto sa pelikula via “And Ai Thank You”, muli silang nagkasama ng Comedy Queen na Ai Ai delas Alas na nakasama niya sa mga pelikulang “Booba” noong 2000 at “Pasukob” noong 2007.

Happy si Rufa Mae na hanggang ngayon ay hindi pa tumitigil si Ai Ai sa paggawa ng pelikula.

“Parang wala siyang kapaguran, ‘di ba? Si Ate Ai talaga ang matagal ko nang iniidolo kaya naging masipag din akong gumawa ng mga pelikula noon.

“Iba ang energy ni Ate Ai talaga. Parang hindi na nga siya natutulog noon, eh.”

Aminado si Rufa Mae na napagod siyang gumawa ng pelikula.

“Dumating din ang time na kailangan kong mamili, career o ang magkaroon ng pamilya. Wala naman akong pinagsisihan kasi nagkaroon ako ng asawa na sobrang bait at anak na kasing kulit ko.

“Hopefully, dahil sa movie na ito, magtuloy-tuloy na rin ang paggawa ko ulit ng movies,” sey pa niya.

Natutuwa naman daw si Rufa Mae sa mga bagong babaeng komedyante ngayon. Kung noon daw ay nai-insecure siya kapag may bagong komedyante, ngayon ay kalma na raw siya.

“To be honest, insecure ako noon kapag may nababalitaan akong new comedienne. Feeling ko, aagawan ako ng trabaho, kaya kung ano-anong gimik ang ginagawa ko para maintained ang popularity ko.

“Pero ngayon, okey na ako, wala na sa akin ‘yung insecurity kasi na-realize ko na marami na akong na-achieve. Iba naman ang gumawa ng name nila as a comedienne. Kung kailangan nila ng suporta ko, ibibigay ko para the more the merrier, ‘di ba?”

(Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *