Ronnie malandi na, agresibo sa pagpapaligaya ng mga fan

Si Sarah Geronimo nga ang special guest ni Ronnie Liang sa concert niya ngayong gabi (Nov. 8) sa Music Museum.

ronnie malandi na agresibo sa pagpapaligaya ng mga fan - Ronnie malandi na, agresibo sa pagpapaligaya ng mga fan
ronnie - Ronnie malandi na, agresibo sa pagpapaligaya ng mga fan

Dondon Sermino Paistaran 41 336x224 - Ronnie malandi na, agresibo sa pagpapaligaya ng mga fanSi Sarah Geronimo nga ang special guest ni Ronnie Liang sa concert niya ngayong gabi (Nov. 8) sa Music Museum.

Ang bongga nga ng mga manonood ng “Ronnie Liang: Love & Romance” dahil mabubusog na sila sa kaguwapuhan, kakisigan at husay kumanta ni Ronnie, may Sarah pa silang mapapanood, ha!

Kuwento ni Ronnie, “Sa meeting pa lang ng concert na to, nagpaalam na ako kay Boss Vic (del Rosario) kung puwede ko bang kunin na guest si Sarah. So, sa isang show ni Sarah sa Iloilo, ako ang guest niya.

“Sa rehearsal pa lang, sinabi ko na kay Sarah na magkakaroon nga ako ng concert, na baka puwede ko siyang kunin na guest. ‘Oo naman!’ ang sagot agad niya.

“Nakakatuwa nga, kasi hindi talaga siya nagdalawang isip. Ang bilis niyang mag-yes.

“Puwede naman siyang tumanggi, ‘di ba? Pero, she said yes talaga.

“Nakakatuwa siya kapag guest ako ng show niya. Kapag ini-introduce niya ako sa stage, bini-build up talaga niya ako. Ang gaganda ng mga sinasabi niya about me, na maganda nga raw ang boses ko, at sinasabihan talaga niya ang mga fan niya na bumili ng album ko.

“Sobrang willing siya na sumuporta sa concert ko. So, ako talaga tuwang-tuwa at super nagpapasalamat talaga ako sa kanya.

“Pero, during that time, wala akong ini-expect talaga. ayoko kasing ma-disappoint, so ready ako na sabihin niya na baka may schedule siyang iba, may appointment siyang iba.

“Pero, she said yes nga. Kaya tuwang-tuwa talaga ako,” saad pa ni Ronnie.

Masasabi nga ni Ronnie na sanay na sanay na siyang mag-perform na kasama si Sarah, dahil paborito nga siyang guest nito sa mga show sa iba’t ibang lugar.

“Thankful talaga ako na nakakasama ko siya. At nakikita ko rin talaga na masaya siya kapag nakakasama ako. Lagi siyang nagpapasalamat sa akin na sumusuporta ako sa concert niya.”

Anyway, mas agresibo, mas malandi na raw si Ronnie na mag-perform ngayon. Nag-mature na raw siya ngayon. At marunong na rin daw siyang makipagharutan sa mga manonood.

Ngayong gabi rin maririnig ang collaboration song nina Ronnie at Sarah, ang “Liwanag”. At siyempre, out na rin sa mga online platform ang kanta ni Ronnie na “Sa Paskong Darating”.

Shayne Sava magpapakitang-gilas kay Chris Tiu

Si Shayne Sava naman ang magpapakitang-gilas sa “I-Bilib” ni Chris Tiu. First time nga ni Shayne ito, kaya sasamahan din siya nina Angelia Ulip, Leanne Bautista at Euwenn Aleta, na kung saan ay magluluto nga sila ng egg sa tubig na walang init.

At ang bongga rin ng paandar nila na ang isang vinyl record ay gagawin nilang candy bowl.

Sa “Bilibabols” naman ay ipi-feature nila ang home-made toy rocket using a plastic bottle, vinegar and baking soda.

Samantala, aalamin nga nila kung ang 3 kinds of machines ay kayang talunin ang mga tao sa pagsipa ng bola sa palayuan.

And which directions will balloons (filled with helium and mere air) move, while inside a travelling vehicle?

At sa “Huling Hirit” naman ay gagawa sila ng Christmas tree mula sa mga lumang CDs and other discarded stuff. Kaya tutok lang sa Sunday ng umaga sa “I-Bilib”!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *