Ronnie Liang pasok sa ‘The Singing Pilot’ title

Sariwa pa sa isip ni Ronnie Liang, na nu’ng bata siya, at kasama niya ang tatay niya, may dumaan na eroplano, at sinabi niya, “balang araw, magpapalipad din siya ng ganun.”

The post Ronnie Liang pasok sa ‘The Singing Pilot’ title appeared first on Abante News Online.

ronnie liang pasok sa the singing pilot title - Ronnie Liang pasok sa ‘The Singing Pilot’ title
ronnie liang - Ronnie Liang pasok sa ‘The Singing Pilot’ title

Sariwa pa sa isip ni Ronnie Liang, na nu’ng bata siya, at kasama niya ang tatay niya, may dumaan na eroplano, at sinabi niya, “balang araw, magpapalipad din siya ng ganun.”

At dalawang dekada ang nakalipas, ang dating pangarap lang ay naging katotohanan na ngayon.

“Childhood dream ko  talaga ‘yon,” sabi ni Ronnie.

“Natatandaan ko grade school ako noon, sinasamahan ko ang father ko magwalis sa gilid ng daan. ‘Tay, ‘yan yung pangarap ko’ (na itinuro ang eroplano na lumilipad). Sabi ng tatay ko, ‘Ang taas naman ng pangarap mo,’” kuwento pa niya.

Oo, mataas nga dahil hindi basta-basta ang maging piloto. Milyones ang kailangan mo para mag-aral at makapagpalipad ng eroplano.

Eh, aminado si Ronnie na galing siya sa mahirap na pamilya. Nakapagkolehiyo siya dahil sa sariling sikap. Nagtapos siya ng Bachelor of Education Major in Science sa Holy Angel University in Pampanga.

“Nag-work ako sa umaga, nag-aral sa gabi. Nagde-deliver ako ng tubig, nagbenta ng herbal products, tapos kapag weekend, nagmo-modeling ako.”

At hindi raw talaga nawala ang dream niya na maging piloto.

“Tuwing sumasakay ako ng erop­lano kapag may out-of-town show, sumisilip ako kung saan umuupo ‘yung mga piloto.”
At ang bongga lang na nakilala nga niya ang mga may-ari ng aviation school, matapos siyang mag-perform noon sa Armed Forces of the Philippines. Natapos na nga ni Ronnie ang ground school subjects, flight simulator training, at nakapagpalipad na nga siya ng propeller plane. At ngayong buwan na ito ay baka mabigyan na siya ng private pilot license ng Strike Wing Aviation in Plaridel, Bulacan.

Siyempre, plano ni Ronnie na maging propesyunal na piloto. Pero kahit maging piloto na siya, hindi raw niya iiwan ang showbiz.

“Tuluy-tuloy pa rin. Pero sabi nga nila, once you’re in the aviation, they doubt kung kaya mo pa rin maghanap ng ibang job,” saad niya.

Ang titulong Singing Pilot nga raw ang bagay na itawag sa kanya balang araw.
Anyway, mahigit isang milyon na ang nag-download ng album niyang Ronnie Liang 12 under Viva Records.

The post Ronnie Liang pasok sa ‘The Singing Pilot’ title appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *