Rommel Padilla talo: Pasikat nina Daniel, Karla ‘di umubra sa Nueva Ecija

Hindi nakatulong ang pagiging Teen King ni Daniel Padilla sa kandidatura ng kanyang amang si R­ommel Padilla. Tumakbo nga si Rommel, utol ni Robin Padilla, bilang kongresista sa unang distrito ng Nueva Ecija.

The post Rommel Padilla talo: Pasikat nina Daniel, Karla ‘di umubra sa Nueva Ecija appeared first on Abante News Online.

rommel padilla talo pasikat nina daniel karla di umubra sa nueva ecija - Rommel Padilla talo: Pasikat nina Daniel, Karla ‘di umubra sa Nueva Ecija
ABANTE rommel padilla - Rommel Padilla talo: Pasikat nina Daniel, Karla ‘di umubra sa Nueva Ecija

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Rommel Padilla talo: Pasikat nina Daniel, Karla ‘di umubra sa Nueva EcijaHindi nakatulong ang pagiging Teen King ni Daniel Padilla sa kandidatura ng kanyang amang si R­ommel Padilla. Tumakbo nga si Rommel, utol ni Robin Padilla, bilang kongresista sa unang distrito ng Nueva Ecija.

Inendorso rin si Rommel ng utol niyang si Robin Padilla, pati na ni presidential d­aughter Mayor Inday Sara Duterte. Pero, sadyang mabigat ang kanyang kalaban.

“Maraming sa-lamat po sa inyong suporta, tiwala at sakripisyo sa ating laban. Duon pa lang ay panalo na ang a­king nadama. Pagpalain po tayong l­ahat ng Poong Maykapal. Puso laban sa Pera,” sabi ni Rommel Padilla, kasunod ang mga linyang ‘The People’s Congressman.

Heto naman ang mensahe ni Karla Estrada, ang nanay ni Daniel, na naging punong-abala rin sa pagkampanya para sa kanyang ex-husband. Agad ngang tinanggap ni Karla ang pagkatalo ng kanyang ex-dyowa.

“Maraming maraming salamat sa inyong lahat! Hindi man tayo pinalad ay nag-uumapaw ang damdamin namin sa lahat ng naniwala, nagsakri-pisyo at nagmahal ng totoo na walang kapalit na kahit magkanong halaga. Kayo ang panalo sa amin! Sa-lamat sa pagkakataon na nagkasama sama tayo! Mabuhay kayong lahat mahal na mahal namin kayo. Hanggang sa muli nating pagsasama. TO GOD BE THE GLORY.”

Well…

Heart ‘di totoong nag-inarte, nagpasosyal sa Sorsogon

Hindi pinalampas ni Heart E­vangelista ang pagsita sa outfit niya nu’ng bumoto sila ng mister niyang si Chiz Escudero sa Sorsogon. Kasi naman, parang ang intensiyon talaga nu’ng sumita sa kanya ay pagmukhain siyang mayabang, o nag-iinarte sa sitwasyon.
“Taraaaay ni Heart Evangelista no naka Versace boboto lang naman,” sabi ni @hoonyfeet.

At agad nga itong sinagot ni Heart, bago pa paniwalaan ng mas maraming tao.

“It’s kamiseta,” sagot ni Heart.

Pero siyempre, kahit na anong pang-aasar pa kay Heart ngayon ay balewala na, lalo na at naiproklama na ang mister niya bilang Governor ng Sorsogon.

“Congratulations to my Governor Chiz E­scudero! You’ve worked in the senate for such a long time, but now, it’s time for you to concentrate in your beloved Sorsogon, the place which you and your f­amily have loved for years.

“For the past few months, you’ve told me endlessly about your plans for Sorsogon ­— developing their tourism, sports programs, health programs, and agricultural industry. I cannot wait to see your visions come to life. Sorsogon, it’s your time to shine!
“My love, I’ll always be here for you, cheering you on forever.

#MahalKongSorsogon #SorsogonFirst.

“God bless you Sorsogon! You now come first we love you!!!! Congrats to my forever proud of you! @SayChiz.

“Your fan since 2007 #saychiz #sorsogonfirst #mahalkongsorsogon.”

The post Rommel Padilla talo: Pasikat nina Daniel, Karla ‘di umubra sa Nueva Ecija appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *