Rocco tututok sa health and nutrition project

Kabilang sa mga advocate ng Kapuso Foundation si Rocco Nacino. Naibigay na task kay Rocco ay ang promotion ng health and nutrition projects ng GMAKF na Bisig Bayan at Give-A-Gift projects.

rocco tututok sa health and nutrition project - Rocco tututok sa health and nutrition project
rocco - Rocco tututok sa health and nutrition project

Kabilang sa mga advocate ng Kapuso Foundation si Rocco Nacino. Naibigay na task kay Rocco ay ang promotion ng health and nutrition projects ng GMAKF na Bisig Bayan at Give-A-Gift projects.

Dahil isang registered nurse at may hawak na master’s degree in nursing si Rocco, tamang-tama lang daw ang pagkuha sa kanya para sa health projects ng GMAKF.

Nataon din na may second season ang health talk show ni Rocco sa GMA-7 na “My Health Juan”.

“Natuwa lang po ako kasi ‘yung pinag-aralan natin, ‘yung pagsunog ng kilay natin sa kursong nursing ay magagamit ko na para sa mga projects ng GMAKF.

“I am looking forward sa mga medical missions na gagawin natin GMAKF. The more people na matutulong natin, the better and healthy community na magkakaroon tayo kahit saan sa Pilipinas.

“Thank you to everybody from GMAKF, lalo na kaya Ms. Mel Tiangco. Salamat po Tita Mel para sa tiwala at ang pagkakataon na maging isa ako sa advocates ng GMAKF.”

Kasama ni Rocco bilang advocates ng GMAKF ay sina Bea Binene, Patricia Tumulak, Sophia Pablo at Wil Ashley. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *