Rocco jackpot kay Miles

Rocco jackpot kay Miles

Bagay na bagay ang “Write About Love” para sa mga gustong ma-in love ngayong Pasko. ‘Yan nga ang chika ni Direk Crisanto Aquino sa ginanap na thanksgiving cum presscon ng pelikula nila na pasok nga sa Metro Manila Film Festival 2019.

rocco jackpot kay miles - Rocco jackpot kay Miles
rocco 1 - Rocco jackpot kay Miles

No boyfriend since birth:

Bagay na bagay ang “Write About Love” para sa mga gustong ma-in love ngayong Pasko. ‘Yan nga ang chika ni Direk Crisanto Aquino sa ginanap na thanksgiving cum presscon ng pelikula nila na pasok nga sa Metro Manila Film Festival 2019.

“Miles Ocampo is perfect for the role because of her authenticity. She is currently taking up Creative Writing at UP Diliman and like her character is also an NBSB (No Boyfriend Since Birth). The movie will make you feel as if the role was specifically written for her,” kuwento pa ni Direk Cris.

Malaki ang paniniwala ng mga prodyuser ng “Write About Love” na magtatagumpay sila sa takilya ngayong MMFF.

“TBA Studios is confident that ‘Write About Love’ is going to be a success because aside from it being the only romantic, feel good entry at the 45th MMFF, the film was made in honor of the 100 Years of Philippines Cinema,” sabi ni Ting Nebrida, president & executive producer.

“We are thankful to the MMFF Selection Committee. This is also our third time at the MMFF after ‘Bonifacio: Ang Unang Pangulo’ (2014), ‘Sunday Beauty Queen’ (2016) and now ‘Write About Love’ (2019).”

Well, makikita nga sa trailer kung gaano biglang nag-swak agad ang mga personalidad at nagkaroon agad ng chemistry sina Miles at Rocco Nacino.

Panalo ang dating na ang isang babaeng hindi pa nagkakadyowa ay nililigawan, o pinakikilig ng isang lalaking beterano na sa pagpapaligaya ng kababaihan.

Kung wala pang nagiging dyowa si Miles, si Rocco naman ay nagbilang na ng mga babae sa buhay niya, tulad nina Sheena Halili, Sanya Lopez (?), Lovi Poe, at siyempre si Melissa Gohing ngayon. So, jackpot nga si Rocco kay Miles, ha!

Agresibo nga ang TBA Studios sa pagpu-promote ng movie nilang ito, at ang bongga lang na kinuha nila ang nangungunang entertainment and celebrity firm na PUBLICITYASIA para sa promo nito.

Kasama rin sa pelikula sina Yeng Constantino at Joem Bascon. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *