Robin tinabla ng GMA, TV5

Nagbabalik telebisyon si Robin Padilla, pero hindi bilang aktor o judge ng isang talent show, kundi host ng isang agricultural at livelihood program.

robin tinabla ng gma tv5 - Robin tinabla ng GMA, TV5
abante robin padilla - Robin tinabla ng GMA, TV5

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 14 300x200 - Robin tinabla ng GMA, TV5Nagbabalik telebisyon si Robin Padilla, pero hindi bilang aktor o judge ng isang talent show, kundi host ng isang agricultural at livelihood program.

Hindi rin ito sa GMA 7 o TV5, kundi sa Net-25, na may pamagat na “Unlad Kaagapay sa Hanapbuhay”.

Ang video post ni Robin na palayan siya ay ay bahagi ng ipalalabas na episode sa kanyang show. Nagpunta si Robin sa Nueva Ecija, sa palayan ng kapatid nyang si Rommel Padilla para ikuwento ang pagsusumikap ng mga Pilipino para mabuhay.

Mga artista galit sa nangwalanghiya kay Alcasid

Libo-libo ang nagkomento, nagalit dahil sa post ni Regine Velasquez kaugnay sa fake news, na sinabi ngang patay na si Ogie Alcasid. Ramdam nga ang malasakit ng mga kapwa artista ni Ogie sa kanya. Nagsama nga ang mga Kapamilya, Kapuso star para sa komedyante, singer. Galit na galit sila sa taong nangwalanghiya kay Ogie.

@martinnievera: “People who invest their time with these scary fake news headlines are sick.”

@lanimisalucha: “This is not funny at all. Stop this.”

@iamkrislawrence: “They need to stop with all that.”

@claubarreto: “Wag ganyan! Maawa naman kayo sa pamilya nila at sa fans na iniidolo sila!”

@nadinesamonte: “This is not funny God Bless to the whole fam.”

@msderossi: “Ano ba yan!”

@msizacalzado: “Uy wala naman ganyanan!!!”

@kylaalvarez: “Sobra naman yung ganyan.”

@rnbjayr: “Omg I was freaking out right now. Hay!!!”

Braso ni Joseph Marco kinayod ng kutsilyo

Kakaiba naman ang trip na healing therapy ni Joseph Marco dahil sinaktan lang naman siya sa ilang parte ng kanyang katawan sa pamamagitan ng blade.

Masisilip sa Instagram ang selfie photo nito habang isinasagawa sa kanya ang therapy.

“That moment when you don’t know whether to cry or laugh,” sabi niya.

Makikita rin salarawan ang braso ng aktor na namumula at duguan sa sinasabing blading. Nakangiti man ang aktor sa larawan, ramdam ang kirot na nararanasan nito habang sinusugatan sa gilid ng kanyang dibdib.

Ang MT2 Blading ay isang massage therapy gamit ang isang matalim na bagay. Kinakayod ng talim ng kutsilyo ang balat ng pasyente para tanggalin ang kirot sa muscle nito.

Kiray plastikada

Kahit si Jennylyn Mercado ay nagandahan sa kay Bianca Umali, sa pinag-usapang photo nito na close up shot at tila galing sa pagligo.

Nag-tweet si Jennylyn para ipahayag ang paghanga nito sa kagandahan ng kapwa Kapuso star.

“You are beautiful @bianx_umali,” tweet ni Jen.

Iba naman ang naging reaksiyoon ng mga netizen sa paghanga ni Kiray Celis sa kagandahan ni Bianca.

“Ang ganda mo!! Yun lang masasabi ko!” ang sabi ni Kiray.

At sa halip na sang-ayunan si Kiray ng mga fan, tinawag siyang plastic.

Gusto lang daw magpabida ni Kiray. Siyempre, rumesbak si Kiray.

“Wag niyo laitin yung mga walang ginagawang masama. Awayin nyo yung mga taong pa-victim saka mga taong magaling gumawa ng kwento. samahan ko pa kayo! Hahahaha!” sabi nito.

Rodjun kina-career ang pagdidirek

Kina-career na rin ni Rodjun Cruz ang pagdidirek ng video, ngayong wala pa siyang trabaho sa GMA-7. Nakaposte sa Instagam ni Rodjun ang video kung saan makikita ang kapatid na si Rayver Cruz na umaariba ng sayaw sa harap ng camera at ring light.

Makikitang nasa harap lang si Rodjun at pinapanood ang kanyang kapatid sa pagsasayaw. Sa caption sinabi ni Rodjun na siya ang direktor sa mini home studio niya, at ang guest celebrity niya ay si Rayver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *