Robin pumabor sa ABS-CBN

Kumatig si Robin Padilla sa intensyon ng ABS-CBN na ipagamit ang transmission para sa online classes sa panahon ng pandemya.

robin pumabor sa abs cbn - Robin pumabor sa ABS-CBN
robin padilla 2 - Robin pumabor sa ABS-CBN

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 15 300x200 - Robin pumabor sa ABS-CBNKumatig si Robin Padilla sa intensyon ng ABS-CBN na ipagamit ang transmission para sa online classes sa panahon ng pandemya.

“Walang magtutulungan kundi tayo. Mabuhay!

“Maganda kung maipalagay sa television network na may national coverage ang pag-ere ng paaralan at klase sa classroom, parang ‘yung sa Isabela City, Basilan province. Nagtulungan ang LGU at local cable network para mai-televise ang paaralan. Tunay na napakalaking impluwensya ng telebisyon sa Pilipino! Mainan na gamitin din sa siguradong tama ang kapangyarihan nito para hindi rin puro entertainment at news ang laman ng palabas sa TV lalo ngayon na may covid-19 kailangan maglaan ng oras sa edukasyon gamitin ang telebisyon para makapag-aral ang mga bata habang nakikipagdigma ang Inangbayan sa virus na hanggang ngayon ay walang gamot at vaccine,” sabi ni Robin.

Regala binigyan ng P100K ni Raffy

Ang dating aktres na si Nadia Montenegro ang tagalikom ng donasyon para kay John Regala. ‘Yan ay ayon mismo sa dati ring aktres na si Beverly Vergel.

Natuwa si Beverly sa tulong na ibinigay ni Raffy Tulfo na P100K kay John.

Bukod kay Nadia, kasama rin sa grupo sina FDCP Liza Dino, at manunulat na si Aster Amoyo.

Alessandra pinagtanggol si Bernal

Malapit nang mapurdoy si Alessandra de Rossi base sa kanyang tweet tungkol sa kaibigang humingi ng tulong sa kanya.

“Wala akong ma-tweet na fun dahil pandemic. Yung IG ko mukhang tindahan, makatulong lang sa mga online seller. Kanina may tinulungan ako kahit pa-bankrap nako, sabi nya, Alex, hulog ka ng langit.

“Di ko naman in-expect pero napangiti niya ako. Hindi yun mapapalitan ng mga lait nyo sa akin,” sey niya.

Kasunod nito pinagtanggol ni Alex ang kaibigang si Bb. Joyce Bernal na kinukuyog ng lait sa pagdidirek sa nakaraang SONA 2020 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“And sorry rin sa pagtatanggol ko sa mga kaibigan ko. Nahi-hurt talaga ako kasi alam ko ang totoo. Ayoko sa mga naninira ng kapwa.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *