Robin pinagtanggol sina Ipe, Cesar, Moymoy sa Russia trip with Duterte

Kumalat ang video ni action star Robin Padilla na tila gigil na gigil sa mga bumabatikos sa mga aniya’y kaibigan niyang artista na kamakailan ay nakasama sa state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.

robin pinagtanggol sina ipe cesar moymoy sa russia trip with duterte - Robin pinagtanggol sina Ipe, Cesar, Moymoy sa Russia trip with Duterte
robin padilla 2 - Robin pinagtanggol sina Ipe, Cesar, Moymoy sa Russia trip with Duterte

Kumalat ang video ni action star Robin Padilla na tila gigil na gigil sa mga bumabatikos sa mga aniya’y kaibigan niyang artista na kamakailan ay nakasama sa state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.

Ani Robin, “Kailangan kong ipagtanggol ‘yung mga kaibigan ko, nagbabasa ako kanina, may mga nakikita ako diyan.

“Binabanatan niyo si Kuya Ipe, si Cesar Montano, at si Moymoy bakit sila nasa Russia?

Ayon kay Binoe, sa tuwing mag-a-abroad ang mga artista ay sila ang gumagastos dito at hindi ito libre o ginagastusan ng gobyerno.

“Kami ang bumibili ng pamasahe po namin. Ang mga hotel namin, ang nagbabayad niyan, kami. Mukha ba kaming walang pera? Pambihira naman kayo, oh.

“May pera po kami at ‘yung perang ‘yan ay gift sa amin ‘yan ng mga taong sumusuporta sa amin.”

Ipinaliwanag din ni Robin kung bakit kadalasan ay may kasamang artista sa mga lakad ng Pangulo sa ibang bansa.

“Nagpupunta kami, sumasama kami sa Presidente, hindi dahil sa kung ano-anong official business. Sumasama kami dahil para sa mga Pilipino, tandaan niyo po ‘yan.

“Ini-entertain namin ang mga Pilipino na walang bayad. Nagsiserbisyo lang kami sa mga OFW natin. Kasi ‘yung mga OFW, ‘yun ang mga tunay na bayani.”

Hinamon niya rin ang mga aniya’y oposisyon.

“Bago niyo tirahin si Kuya Ipe, bago niyo tirahin si Cesar, bago niyo tirahin si Moymoy, at ibang artista. Maglabasan nga tayo kung magkano ibinabayad natin sa tax? Hinahamon ko kayo, kahit kayong mga politiko na bumabanat sa amin, maglabasan nga tayo ng tax.

“Pakitaan tayo, kung sino sa atin ang sumusunod sa batas.”

Aminado si Robin na na-high blood siya habang nagpapaliwanag sa video na ‘yon kaya’t panay ang pasensiya niya sa mga nanonood. (Jun Lopez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *