Robin pinaghubad si Bong Go: Bentosa kasi ‘yon, ‘di tattoo!

Pinag-uusapan nga ang paghuhubad sa harap ng media ni Bong Go para patuna­yang wala siyang tattoo sa likod, na ayon sa mga kritiko niya ay simbolo ng pagiging miyembro ng sindikato.

The post Robin pinaghubad si Bong Go: Bentosa kasi ‘yon, ‘di tattoo! appeared first on Abante News Online.

robin pinaghubad si bong go bentosa kasi yon di tattoo - Robin pinaghubad si Bong Go: Bentosa kasi ‘yon, ‘di tattoo!
Abante 2019 Robin Padilla - Robin pinaghubad si Bong Go: Bentosa kasi ‘yon, ‘di tattoo!

Pinag-uusapan nga ang paghuhubad sa harap ng media ni Bong Go para patuna­yang wala siyang tattoo sa likod, na ayon sa mga kritiko niya ay simbolo ng pagiging miyembro ng sindikato.

Kahit na tila wala nga siyang tattoo, napansin pa rin ng mga nakakita nito na may mga patse-patse pa rin itong mamula-mula sa balat, na para bang pinabura lang ang tattoo umano.

Pero si Robin Padilla mismo ay pinaghubad din si Go, na pinost pa niya sa kanyang Instagram account (@robinhoodpadilla). Doon, makikita sila na tila nakasakay sa jetski, si Go ay nagbabasa ng dyaryo nang nakahubad at nakatalikod habang si Robin ay tinuturo ang likod nito.

“Ina­bangan ko talaga ang pag alis niya ng t shirt para ako mismo ay makita ko ang katotohanan!

“Kaya eto ko nagimbal sa nakita ko sa likod ni BONG GO! Hindi po tattoo kundi bentosa ng ambularyo ang bumulaga sa akin hahahhahaha” bahagi ng IG post ni Robin.

Sa Facebook ay patuloy pa rin ang debate kung bentosa nga ba o sadyang ipinabura nga ang umano’y tattoo. Na kesyo can afford naman ito ni Go dahil mayaman naman ito. O ‘di kaya’y pina-laser treatment.

Pinaramdam din ni Robin ang pagkainis sa mga patuloy na sumisira sa pangalan ng Pa­ngulo na aniya’y may ibang propaganda umano at ‘di naman talaga mga ­makabayan.

Si Robin ay kilalang solid DDS. (Jun Lopez)

The post Robin pinaghubad si Bong Go: Bentosa kasi ‘yon, ‘di tattoo! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *