Robin pabor sa paglaya ni Pemberton

Hinimay ni Robin Padilla ang ibinigay na absolute pardon ni Pangulong Duterte kay convicted murderer Pemberton base sa karanasan niya bilang isang dating bilanggo.

The post Robin pabor sa paglaya ni Pemberton first appeared on Abante.

robin pabor sa paglaya ni pemberton - Robin pabor sa paglaya ni Pemberton
Robin Padilla 1 - Robin pabor sa paglaya ni Pemberton

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Robin pabor sa paglaya ni PembertonHinimay ni Robin Padilla ang ibinigay na absolute pardon ni Pangulong Duterte kay convicted murderer Pemberton base sa karanasan niya bilang isang dating bilanggo.

“October 15, 2014-December 1, 2015. Isa kami sa mga nakibaka para mabigyan ng hustisya si Ms. Laude at nanaig ang sigaw na yun! Hindi pinayagang makaalis ng bansa ang sundalong Amerikano at nakulong sa bansang Pilipinas ang mamatay tao.

“At dahil din sa ganap na ito nagkaroon ng kamulatan ang mga Pilipino lalo na ang mambabatas sa kalagayan ng mga gay at transgender kaya ipinagtibay ang mga karapatan nila at nagtulak din ito ng isang transgender sa kongreso.

“Ang sakripisyo ng buhay ni Ms. Laude ay maituturing na isang bayani ng rebulosyon! Una sumunod ang dambuhalang bansa ng Amerikano sa batas ng ating bansa pangalawa nagdulot ng malalim na pagtanggap sa kasarian ng mga gay at transgender sa ating lipunan. Dalawang bagay ito na nagbigay karangalan at pagpupugay sa pamilya Laude.

“Bilang pagpapakita rin natin sa dambuhalang mga Amerikano na marunong tayong mga Pilipino na sumunod sa sariling batas kailangan nating maging patas at parehas kay Pemberton maging labag man sa kalooban nating lahat ang sinasabi ng ating batas. Walang magagawa ang Bureau of Correction sa biglaang pag-atras ng appeal ng killer na ito sa SC kundi ipatupad ang batas natin at malinaw don na nakasaad ang good conduct time allowance sa kahit na sinong bilanggo maging Pinoy o dayuhan. Nakasaad sa ating batas na kung sinoman ang nakapag-serve na ng kalahati ng sintensya nya ay maari na itong humingi ng pardon o parole at magdedepende ang favorable desisyon ng Board of Pardons and parole at ang legal department ng Pangulo ng Pilipinas sa good behavior ng bilanggo. Hindi po ako abogado pero batid ko ang karapatan ng isang bilanggo na ibinigay ng Batas.

“Tama ang ginawa ni Mayor PRRD. It was the most compassionate decision not only for the Americans but for us as well. One way or the other we will soon need them and this pardon strengthens that bond of friendship between us as people…” ang bahagi ng mensahe ni Robin.

***

Erich direktor na

Nagbigay ng mas malawak na opportunity kina Erich Gonzales at Enchong Dee ang kawalan ng trabaho ngayong pandemya at ang pagsasara ng ABS-CBN.

Isa na ngang ganap na direktor si Erich at film producer naman si Enchong sa sarili nilang movie project sa ilalim ng binuo nilang YouTube channel, ang “Enrich Originals”.

Nakaposte sa kani-kanilang mga social media account ang trailer ng romcom movie nilang “You. Me. Maybe” na sila nga ang mga bida.

Sa naturang trailer ay nai-promote ni Enchong ang kanyang Peri-Peri chicken business.

May special appearance sa movie sina Arjo Atayde at Janella Salvador. At hindi na ako magtataka kung gayahin sina Enchong at Erich ng

Iba pang artista.

***

Kakai magaling na sa coronavirus

Napuruhan ng COVID-19 ang komedyanteng si Kakai Bautista. Mapapanood yan sa video na pinoste niya sa Instagram.

Sa umpisa ng video, mapapanood na isinusulat ang balita nang kanyang paggaling sa coronavirus, at para rin bigyang moral support ang mga gaya niyang nahawahan nito.

“This was my life during my covid battle. Mentally it was more than tough. I was asymptomatic so ‘di ako nahirapan. Pero yung iwasan kong isipin na puwede ko itong ikamatay. Susmio. Hirap bes. Pero salamat sa Panginoon dahil ang higpit ng kapit ko sa kanya.

“Sana lahat ng maysakit na Covid ngayon ay gumaling na. Compelete healing. At sa mga nawala at nawalan, sana ipagdasal natin at ang kanilang pamilya.

“Gusto kong paulit-ulit sa inyo na kung kaya naten mag-ingat mga 1000 times, please po.

“Let’s take care of each other by taking care ourselves first. Better days are coming. And Habang may buhay, may pag-asa,” sabi niya.

Base sa mga sagot ni Kakai, ni hindi siya nilagnat o nawalan ng panlasa.

Nakaramdam lang daw siya na madali siyang mapagod.

***

Assunta umitim ang kili-kili

Kili-kili ni Assunta de Rossi ang napagtripang paglaruan ni Alessandra de Rossi. Sa Instagram ni Alex ay makikita ang larawan ni Assunta na nakaupo, lantad ang mga braso sa suot na sleeveless.

Walang makeup, at masisipat ang malaki na niyang tiyan. Ito ang ginawang basehan ni Alex para magpa-game sa mga follower niyang buntis at mga dating buntis, kung gaano kaitim ang kanilang mga kili-kili.

Para hindi mapuna sa IG na pati kili-kili ng mga buntis at nagbuntis ay pinaglaruan nito, si Assunta ang itinuro niyang may ideya ng game.

“On a scale of 1 to kilikili ng buntis. Gaano kaitim ang budhi mo? P.S Sya po ang nagsabi ng caption. Wala akong maisip na ganyan, ever! Maputi ang budhi ko!” sey ni Alex.

Sa sagot ni Assunta ay mukhang umitim talaga ang kili-kili niya.

“Ako mga 8.5,” sey niya.

“Mas na-bother ako sa mga brazo de mercedes ko!” dugtong na sey pa ni Assunta.

The post Robin pabor sa paglaya ni Pemberton first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *