Robin nanawagan ng dasal para sa 36 Pinoy

Nag-alay ng dasal at nagsindi ng kandila si Robin Padilla para sa iba pang mga OFW/seamen na hindi pa nakikita sa lumubog na barko sa karagatan malapit sa Japan.

The post Robin nanawagan ng dasal para sa 36 Pinoy first appeared on Abante.

robin nanawagan ng dasal para sa 36 pinoy - Robin nanawagan ng dasal para sa 36 Pinoy
abante padilla - Robin nanawagan ng dasal para sa 36 Pinoy

Nag-alay ng dasal at nagsindi ng kandila si Robin Padilla para sa iba pang mga OFW/seamen na hindi pa nakikita sa lumubog na barko sa karagatan malapit sa Japan.

Uuwi na ang dalawang Pinoy survivor at pati na ang namatay sa sakuna.

Sa 39 Pinoy seaman sa barko, tatlo pa pa lang ang nakikita.

Sa video post ni Robin sa Instagram na nagsindi ng kandila, ramdam ang pakikiramay nito sa sinapit ng mga Pinoy seaman.

Pinahalagahan din ni Robin ang kontribusyon ng mga OFW na siyang tumulong na mapanatili ang ekonomiya ng bansa mula sa mga ipinadalang dolyar ng mga ito sa Pilipinas, kaya naman tinagurian ang mga itong mga bayani.

“From January-November 2019 remittances reached $30.25 billion, up 4.1 percent from $29.06 billion during the same period in 2018.

“The central bank said OFWs with contracts of at least one year sent home $23.1 billion. Meanwhile, seafarers as well as Filipinos with short-term work arrangements remitted $6.5 billion as of end-November,” sabi pa ni Robin.

Nanawagan ng dasal si Robin sa lahat para sa mga nawawala pang mga OFW/seamen, at sa kapanatagan ng kanilang mga pamilya. (Rey Pumaloy)

The post Robin nanawagan ng dasal para sa 36 Pinoy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *