Robin nainggit sa mga SEAG athlete

Ginanap noong Miyerkoles ng tanghali ang site visit sa New Clark City kung saan isasagawa ang SEA Games 2019. Dumalo sina Senator Bong Go at House Speaker Alan Peter Cayetano kasama ang aktor na si Robin Padilla.

robin nainggit sa mga seag athlete - Robin nainggit sa mga SEAG athlete
robin 1 - Robin nainggit sa mga SEAG athlete

Ginanap noong Miyerkoles ng tanghali ang site visit sa New Clark City kung saan isasagawa ang SEA Games 2019. Dumalo sina Senator Bong Go at House Speaker Alan Peter Cayetano kasama ang aktor na si Robin Padilla.

Makikita na todo video sa paligid ang aktor na parang vlogger at hindi maitatanggi ang pagkamangha sa kinalabasan ng naturang lugar, lalo na sa bahagi ng Athlete’s Stadium. Nabigyan naman ng pagkakataon ang Abante team na makapanayam ang aktor.

Ayon kay Robin, mas na-excite siya sa SEA Games 2019 ngayong nakita na niya ang pagdadausan nito. Kuwento pa ng aktor, dati ay naging presidente siya ng Muay Thai, at sinabi nga ng aktor na naiinggit siya sa mga atleta ngayon na mai-experience ang ganoon kagandang sports complex dahil noong panahon nila ay hindi pa ganoon kaganda at polished ang mga facility.

Ikinumpara pa niya ang magiging tirahan ng mga athlete ngayon sa dating tinirahan nila sa ultraman na siyang mas kinainggitan talaga niya.

Nang tanungin naman siya kung gaano siya ka-excited para sa SEA Games, “lagi akong excited diyan!” sey ng aktor.

“Nu’ng panahong nasa Muay Thai din (ako), nakakuha rin kami diyan eh sa SEA Games ng bronze at ng silver. Siguro sa ganda nito, ‘pag nalipat dito Muay Thai, malamang gold na,” pahayag pa ng aktor na hindi talaga maitago sa hitsura niya ang excitement. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *