Robin muntik mangisay sa swimming pool

Walang patid ang pasasalamat ni Robin Padilla kay Allah nang makaligtas siya sa posibleng pagkakakuryente na maaaring naghatid sa kanya sa kabilang buhay o kamatayan.

robin muntik mangisay sa swimming pool - Robin muntik mangisay sa swimming pool
Robin Padilla - Robin muntik mangisay sa swimming pool

Walang patid ang pasasalamat ni Robin Padilla kay Allah nang makaligtas siya sa posibleng pagkakakuryente na maaaring naghatid sa kanya sa kabilang buhay o kamatayan.

Pinoste ni Robin sa Instagram ang ilang larawan sa kanyang swimming pool. Nauna ang isang kable na nakalitaw na ang mga wire nito. Kasama nito ang nakalubog na kable sa swimming pool at ang electrical pump injection.

Ayon sa kuwento ni Robin, mano-mano niyang nililinis sa pamamagitan ng water pump at filter ang kanilang swimming pool. Madalas ay inaabot siya ng gabi para hindi raw mag-stagnant ang tubig sa pool.

At dahil sa takot niyang mahawa ang kanyang mga anak at kasamahan sa bahay sa COVID, siya na mismo ang gumagawa ng mga technical sa kanilang bahay. Hindi na siya nagpapapasok ng ibang tao sa bahay nila.

Masuwerteng nakita niya ang kable ng water pump na hiwa na ang balat nito at nakalitaw ang negative at positive, bago niya inihagis ito sa tubig kasunod ng paglusong niya.

Posibleng nakuryente si Robin at baka pinaglalamayan na siya ngayon kung hindi niya nakita agad ang sirang kable. Biglang nanghina si Robin nang maisip niya ang eksenang nangingisay na siya sa boltahe ng kuryente. Naniniwala si Robin na ginabayan siya ng Diyos. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *