Robin masama loob sa NBI

Isang maliwanag na kahit kaalyansa ng kasalukuyang administrasyon at dikit nina President Duterte at Sen. Bong Go, walang nakukuhang pabor sa isang sangay ng gobyerno si Robin Padilla.

The post Robin masama loob sa NBI first appeared on Abante.

robin masama loob sa nbi - Robin masama loob sa NBI
Robin Padilla 3 - Robin masama loob sa NBI

Isang maliwanag na kahit kaalyansa ng kasalukuyang administrasyon at dikit nina President Duterte at Sen. Bong Go, walang nakukuhang pabor sa isang sangay ng gobyerno si Robin Padilla.

Katunayan, naglabas ng kanyang hinaing at pagkadismaya ang aktor sa kawalan ng aksyon ng NBI cyber crime sa inireklamo niyang pagpatay sa kanya sa social media, noon pang 2016.

Sa post ni Robin kamakailan lang sa kanyang Instagram mababasa ang panibagong fake news nagbabalitang patay na siya.

Ang post ay mula sa account ni Rob Cuevas. Nag-comment sa post ni Robin si Mariel Rodriguez na nalulungkot sa mga ganitong pekeng balita na namatay ang kanyang asawa.

Sa reply ni Robin inilabas ang sama ng loob sa NBI Cyber Crime.

“@marielpadilla wala naman tayong magagawa @marielpadipla nagreklamo na ako sa NBI cyber crime patungkol sa mga katulad ni Krissy nagpunta pa ako don kasama si Atty. Jurado 2016 pa pero hanggang ngayon walang resulta. Ipagpasa Dios na lang natin at patuloy lang tayo magbayad ng tax para may panggastos ang nbi,” sabi ni Robin.

Mas nabigyan daw ng atensyon ng NBI sina Catriona Gray at Liza Soberano sa magkakaiba nilang reklamo dahil naging kontrobersyal ang isyu ng dalawang personalidad. (Rey Pumaloy)

The post Robin masama loob sa NBI first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *