Robin hinamon si Trillanes

Hinamon ng tapang sa tapang ni Robin Padilla si dating Senador Antonio Trillanes, nang batikusin ng huli ang aktor sa panawagan nitong imbes magreklamo ay magtrabaho na lang ang mga kritiko ng gobyerno.

robin hinamon si trillanes - Robin hinamon si Trillanes
robin antonio 2 - Robin hinamon si Trillanes

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Robin hinamon si TrillanesHinamon ng tapang sa tapang ni Robin Padilla si dating Senador Antonio Trillanes, nang batikusin ng huli ang aktor sa panawagan nitong imbes magreklamo ay magtrabaho na lang ang mga kritiko ng gobyerno.

Pinaskil ni Robin sa Instagram ang pasaring sa kanya ni Trillanes.

“Sabi ni Robin, magtrabaho na lang daw at ‘wag na magreklamo. Ano? #1 na tayo sa pinakamaraming COVID cases sa SE Asia, habang parang naglalaro lang si Duterte at ‘di alam ang ginagawa. Basta, isa ka sa salarin kung bakit naging president yang si**** yan. Malaking perwisyo ang dulot nyo sa Pilipinas. Dating senador Antonio Trillanes IV.”

Nag-init ang ulo ni Robin kay Trillanes dahilan para hamunin nitong sabay silang humarap sa mga Chinese sa Spratly’s Island at patunayan ang tapang nila sa isa’t isa.

“Mr. Antonio Trillanes who was educated our taxes then after he took over Oakwood planting C4 explosives endangering civilian lives taking Makati as his hostage not once but twice. Mr. Trillanes, unang una wala akong sinabi na magtrabaho. Pangalawa schoolmate sa Siena College Kung sapagiging perwisyo sa Inangbayan ay nangunguna ka sa dami ng kudeta mo na lahat ay surrenderie ka naapektuhan lang ang econimia ng Pilipinas kaya talo na naman ang taongbayan pero ikaw ay panalo dahil naging senador ka parang nagoyo mo lang ang ibang mga Pinoy sa personal mong agenda katulad ng ginagawa mo pa rin ngayon. Pakiusap wag mo ako idamay sa away ninyo sa Pulitika dahil hindi ako pulitiko at lalong hindi ako kakandidato sa 2022 na katulad mo. I call myself revolutionary because I do not join governments I fight governments and that is what President Duterte and this government is doing fighting the system of government and its oligarchs that was founded by the Magdalos of Emilio Aguinaldo. Talagang outside the normal ang ginagawa ni PRRD dahil talagang kumakasa siya sa lahat ng pinaglilingkuran mo. Hindi ka lang napagbigyan ni Mayor PRRD na maging vice president candidate niya naghuramentado kana at para kang bata na nagngangangawa. Puro batikos puro ka reklamo puro ka hamon dito hamon don napalaban ka na ba talaga? Sinabi ni pangulo na nag-take over na ang China sa South China Sea/West Philippine Sea bakit hindi ka doon magmatapang gusto mo samahan na kita para isang magdalo at may pag-asa katipunero ang magumpisa ng kabayanihan don.

“Mr. Trillanes pinili ko ang pagka-Pilipino ko at karapatan ko ang magsalita laban o pabor sa inyong mga pulitiko! Karapatan ko ang mamili ng aking susuportahan at lalabanan na pulitiko. Hindi kita inaano o binabangga magmula ng hindi kana senador bilang respeto sa iyong pamilya kayat umayos ka rin.”

Daniel sumabak sa pagdidirek

Dahil sa kawalan ng trabaho mula nang maipasara ang kanyang network (ABS-CBN) sumawsaw na sa ibang pinagkakaabalahan si Daniel Padilla, at ang napagtripan nito ay maging technical head ng kanyang ina na si Karla Estrada.

Si Daniel ang direktor, lights at sound director ng vlog talk show ni Karla.

Sa Instagram post ni Karla, kasama si Daniel sa pinasalamatan niya na tumulong para maisagawa ang kanyang project.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *