Robin hinamon ang mga politiko na sugurin ang China

Kahit ang layo-layo ni Robin Padilla, hindi pa rin niya naiwasan ang magkomento, magbigay ng opinyon sa nangyayari sa Pilipinas ngayon.

The post Robin hinamon ang mga politiko na sugurin ang China appeared first on Abante News Online.

robin hinamon ang mga politiko na sugurin ang china - Robin hinamon ang mga politiko na sugurin ang China
robin p - Robin hinamon ang mga politiko na sugurin ang China

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Robin hinamon ang mga politiko na sugurin ang ChinaKahit ang layo-layo ni Robin Padilla, hindi pa rin niya naiwasan ang magkomento, magbigay ng opinyon sa nangyayari sa Pilipinas ngayon.

Kasalukuyan ngang nasa Australia si Robin para samahan ang kanyang mga anak na nag-graduate at nag-birthday doon. At siyempre, para magbakasyon na rin.

Sa Instagram post niya ay makikita ang tubo na walang umaagos na tubig. Parehong-pareho na reklamo ngayon ng mga Pilipino, na nakakaranas ng kawalan ng supply ng tubig.

Heto nga ang post ni Robin:

“Dios Mio ang layo ko sa Inang Bayan Pilipinas pero ang lalakas ng boses na naririnig ko kaliwa’t kanan, taas baba na naman ang mga magaga-ling. Paalala ko lang sa mga politiko na ito ang kanilang mandato maari bang bago ninyo saklawan ang geopolitics ay ayosin niyo muna ang pag-deliver ng basic services sa mga tahanan namin.

“P_tang ama! Kayo lang ang magiginhawa ang buhay! Kami ang taas ng mga tax namin binabayaran ni tubig sa gripo wala kami! Mahiya naman kayo!

“Kung makapaghamon kayo sa China akala mo ang ginhawa ng buhay ng mga Pilipino. Ayosin niyo muna ang domestic threat sa Mainland Philippines bago kayo magpakamatalino at su-migaw ng foreign threat!

“Amerika ka nga AMERIKA na yun ah! Ingat na ingat sa isyu na yan kaya nauuwi sila sa Trade War na lang tayo gusto niyo direct confrontation! Nagkakabanatan ngayon ng mga oil tanker sa strait of Hormuz pero walang kahit na sinong super power ang naghahamon ng away kundi ang lahat ay imbestigasyon ang isinusulong dahil napaka sensitibo ng sitwasyon!

“Hindi lang sa South china sea/West Philippines sea ang mga ganitong ganap!

“Ang pagtuunan ninyo ng pansin at mga talino ninyo ay ang korupsyon sa gobyerno at political gangsters. Parang sa isang bahay lang yan ayosin niyo ang pangangailangan ng kusina natin bago kayo maghanap ng away sa kalsada para kayong mga istambay ang tatapang sa kanto pero pagdating sa sariling tahanan wala naman maitulong kundi reklamo at paandar.

“Anak ng matsing gumawa naman kayo na mararamdaman namin ang ginhawa. Pls. deliver public service not politicking ang layo pa ng eleksyon kakatapos lang ng kampanya andyan pa rin kayo!

“Kung hindi ninyo mapigil ang galit ninyo sa China ito ang gawin niyo. Una ibenta niyo bahay niyo mga kotse niyo lahat ng mga ari-arian ninyo at ibigay niyo sa mga mangingisda na awing-awa kayo para positibo at pisikal na makinabang sila sa inyo pangalawa wala nang announcement lumusob na kayo don kung nasan ang mga Tsino at don kayo magreklamo walang pipigil sa inyo maniwala kayo. Papalakpkan namin kayo at isasabit namin ang mga picture ninyo sa aming mga bahay bilang mga bagong bayani ng Inangbayan pero kung hindi niyo magagawa. Pls we need water on our faucets! NOW!”

Siyempre, sumaludo ang misis ni Robin na si Mariel Padilla sa katapangan ng mister niya.

“Yes!!! Ang sakit sa loob na akala ko mayaman na ako tapos dumating yung bayaran ng tax tapos nagbayad ako ng tax na para sa akin ay MALAKI tapos walang tubig sa bahay tapos may tax ulit na June 20 and June 28 na due ano yun? Di pa ako nakaka-recover dun sa malaki ko na binayaran meron na ulit????? Tapos wala tayong tubig?” ani Mariel.

The post Robin hinamon ang mga politiko na sugurin ang China appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *