Robi napikon, nagalit nang tsugiin sa Myx

Dinibdib at minasama ni Robi Domingo noon ang pagkakatanggal sa kaniya sa MYX bilang VJ, ayon na rin sa panayam niya sa “MYX20,” isang interview series para i-celebrate ang 20 taon ng numero unong music channel sa bansa.

The post Robi napikon, nagalit nang tsugiin sa Myx first appeared on Abante.

robi napikon nagalit nang tsugiin sa myx - Robi napikon, nagalit nang tsugiin sa Myx
robi - Robi napikon, nagalit nang tsugiin sa Myx

Dinibdib at minasama ni Robi Domingo noon ang pagkakatanggal sa kaniya sa MYX bilang VJ, ayon na rin sa panayam niya sa “MYX20,” isang interview series para i-celebrate ang 20 taon ng numero unong music channel sa bansa.

“I became bitter when I was taken out. Natatandaan ko na I would watch television to the point na I would skip channel 23 kasi nasasaktan ako because I felt that hindi pa tapos ‘yung journey ko,” pahayag ni Robi.

Pero dinagdag niyang buti na lang na tinanggal siya dahil blessing ang nangyari sa kanya noong mga panahon na ‘yun.

“It’s the best thing that happened in my life. Pinaramdam sa akin kung ano ‘yung mga gusto ko sa buhay at nung nawala, I did my best to tell them na I want another chance. When I got the opportunity to go back, I promised myself and the whole staff that I will give my 110% commitment to continue the legacy because that is what MYX deserves,” sabi niya.

Nakasama rin ni Robi sa interview ang dati ring MYX VJ na si Edward Barber at ikinuwento nito kung paano naging life-changing ang MYX para sa kanya.

“MYX helped me find my voice, it helped me find who I am. I realized that I’m my own person and MYX played the biggest role in helping me realize that,” chika ni Edward.

Dahil nga 20 years na ang MYX, nagpasalamat din sila na maging parte ng MYX family na nagbigay sa kanila ng masasaya at panibagong mga karanasan. (Dondon Sermino)

The post Robi napikon, nagalit nang tsugiin sa Myx first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *