Robi imbyerna pa rin: Russu, Crismar nagsisi sa pagsigaw ng ‘Yes to ABS-CBN shutdown’

Sa presscon pa lang, tinanong na namin sina Kim Chiu, Enchong Dee, Toni Gonzaga, sa kung ano ang gagawin nila, kung sakaling may mga PBB housemate na nadiskubre nila na nag-‘Yes to ABS-CBN shutdown’?

The post Robi imbyerna pa rin: Russu, Crismar nagsisi sa pagsigaw ng ‘Yes to ABS-CBN shutdown’ first appeared on Abante.

robi imbyerna pa rin russu crismar nagsisi sa pagsigaw ng yes to abs cbn shutdown - Robi imbyerna pa rin: Russu, Crismar nagsisi sa pagsigaw ng ‘Yes to ABS-CBN shutdown’
robi 1 - Robi imbyerna pa rin: Russu, Crismar nagsisi sa pagsigaw ng ‘Yes to ABS-CBN shutdown’

Sa presscon pa lang, tinanong na namin sina Kim Chiu, Enchong Dee, Toni Gonzaga, sa kung ano ang gagawin nila, kung sakaling may mga PBB housemate na nadiskubre nila na nag-‘Yes to ABS-CBN shutdown’?

At halos pare-pareho sila ng sagot, na hindi sila galit, at wala silang planong maghiganti sa mga ito, kung sakali.

Pero, `yun na nga ang nangyayari ngayon, na dalawa sa mga housemate, sina Russu, Crismar ay umamin, nabuking na ginusto, sumang-ayon na ipasara ang Kapamilya channel.

At siyempre, nag-react ang isa sa mga host ng PBB, at dating housemate na si Robi Domingo.

“Walang kinalaman ang PBB dito. Is this just me. Pero gusto kong ibalik ‘yung sinabi niya dati doon sa nagiging issue niya with Aizyl. ‘We can forgive, but we will not forget’.

“Ito ‘yung tinig ng mga nawalan. Paglabas nilang lahat silang lahat ng Bahay ni Kuya, ipapakita ko sa kanila ito (logo ng ABS-CBN) isipin niyo it’s not just a symbol this is our mantra this is our life,” sabi ni Robi.

Super trending nga sina Russu at Crismar dahil sa mga pag-amin nila. Sabi ng mga fan, tila naisahan ang Dos, at napasok nga sila ng mga kalaban. Na heto nga ang tinutulungan nilang sumikat, ha!

“I agreed to the shutdown and I’m ashamed of it. And I’m sorry po talaga Kuya. Even though for a short time, I have thought about it being #YesToShutDown. I may not have posted about it but I always felt guilty for thinking that,” pag-amin ni Crismar.

Đăng nhập Facebook
Hãy đăng nhập Facebook để bắt đầu chia sẻ và kết nối với bạn bè, gia đình và những người bạn biết.

“Alam ko po Kuya na nasaktan po kayo, isa rin po ako sa sumang-ayon sa pagpapasara ng inyong tahanan.

“Yes to ABS-CBN shutdown. Sa tweet yun eh. Nag-tweet ako. Sa buong pamilya namin sa bahay, ako lang ang nag-agree sa pag-shutdown. Inaamin ko naimpluwensyahan ako. Ang hirap kaya itago ang mga mali na nagawa mo noon sa mga taong tumutulong maabot ang pangarap,” sabi ni Russu.

At heto naman ang chika sa kanila ni Big Brother:

“Ang pagnanais ng kapahamakan sa iba ay hindi katanggap- tanggap. Iwan na natin ang pagkakamaling ito. Hindi dapat nababase sa mga ating mga nakaraan ang paghusga sa pagkatao. Nawa’y lahat tayo ay may matingnan na kinabukasan sa taong 2021. Kahit ganon pa man ang nangyari, naging bahagi ka ng pamilyang ito,” ang mensahe sa kanila ni Big Brother. (Dondon Sermino)

The post Robi imbyerna pa rin: Russu, Crismar nagsisi sa pagsigaw ng ‘Yes to ABS-CBN shutdown’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *