Robi anak ang turing kay Majo

Mukhang may new found friend si Robi Domingo. Ito’y ang viral baby girl na si Majo Lingat aka “You Do Note” girl.

robi anak ang turing kay majo - Robi anak ang turing kay Majo
robi 2 - Robi anak ang turing kay Majo

Mukhang may new found friend si Robi Domingo. Ito’y ang viral baby girl na si Majo Lingat aka “You Do Note” girl.

Unang beses na nagkasama sina Robi at Majo sa kulitan para sa isang segment sa MYX Channel.

Ngayon naman ay ibinahagi ng host sa kanyang vlog ang kanyang pagmamasyal sa isang museo kasama si Majo.

As usual, hindi naubusan ng tawa si Robi kasama ang cute na bata dahil sa pagiging natural nito at pagka-inosente.

Anak na rin kung ituring ni Robi si Majo kaya naman espesyal na talaga para sa kanya ang viral baby girl.

“Na-miss ko anak ko na ‘to eh. Bago ang lahat, maraming salamat sa pagpunta dito. Alam kong marami kang ginagawa ngayon, very busy ka pero gusto kong magpasalamat sa ‘yo dahil maraming nagsasabi na ang gwapo-gwapo ko raw dahil sa pagtawa ko. Ikaw lang nakagawa no,” sey ni Robi.

Anyway, hindi lang sila basta pumasyal, ha! Nagbigay pa ng mga regalo si Robi para kay Majo bago pa man matapos ang kanilang bonding sa araw na iyon.

Dahil dito, mas humanga ang mga fan sa Kapamilya host dahil sa kabutihang ipinakita nito kay Majo. Hiling pa nga ng ibang fan na sana sila na lang si Majo. (Athena Ya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *