Rita naospital sa sobrang pagod

Naospital kamakailan ang bida ng “One of the Baes” na si Rita Daniela dahil sa sobrang pagod nito sa sunod-sunod na trabaho. Bukod kasi sa teleserye mula Lunes at Biyernes, kasama rin si Rita sa “The Clash” tuwing Sabado at Linggo.

rita naospital sa sobrang pagod - Rita naospital sa sobrang pagod
rita 1 - Rita naospital sa sobrang pagod

Naospital kamakailan ang bida ng “One of the Baes” na si Rita Daniela dahil sa sobrang pagod nito sa sunod-sunod na trabaho. Bukod kasi sa teleserye mula Lunes at Biyernes, kasama rin si Rita sa “The Clash” tuwing Sabado at Linggo.

Ang unang dumalaw kay Rita sa ospital ay ang kanyang ka-love team na si Ken Chan. Pinost pa ni Ken sa IG ang photo nila ni Rita sa ospital room nito:

“If you’re feeling bad, I’m feeling bad, but when you’re happy, my day can’t get any brighter. Thank god your feeling better @missritadaniela.”

Mabilis na nag-reply si Rita sa post na ito ni Ken na ikinakilig ng RitKen at BoBrey fans.

“First to comment” at “First to like” ang naging reply ni Rita.

Pinost din ni Ken ang magandang balita dahil winner pa rin sa ratings ang “One of the Baes”. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *