Rita may kaagaw na kay Ken

May bagong aabangan ang mga fan nina Ken Chan at Rita Daniela, ang bagong Kapuso series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’ Aminado si Ken na challenging ang role niya rito dahil gagampanan niya ang karakter na may dissociative identity disorder – isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang pasyente.

The post Rita may kaagaw na kay Ken first appeared on Abante.

rita may kaagaw na kay ken - Rita may kaagaw na kay Ken
Rita Daniela - Rita may kaagaw na kay Ken

May bagong aabangan ang mga fan nina Ken Chan at Rita Daniela, ang bagong Kapuso series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’ Aminado si Ken na challenging ang role niya rito dahil gagampanan niya ang karakter na may dissociative identity disorder – isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang pasyente.

“Dahil galing kami sa My Special Tatay, ang pinag-uusapan pa rin dito ay ang mental illness. Mental health ang focus ng istorya, isa na namang very challenging na project ang ibinigay sa amin,” sabi ni Ken.

Gaganap naman si Rita bilang si Mia, ang asawa ni Ken. Dahil sa split personality ng kanyang asawa, magkakaroon si Mia ng kaagaw sa mister na gagampanan ni Anna Vicente.

“I’ve been wanting to portray a very mature and serious role. Mas na-e-excite ako for Ken kasi napakahusay ng ginawa niya kay Boyet,” sabi naman ni Rita.

Makakasama rin nila sa drama sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan, at Jeremy Sabido. (Dondon Sermino)

The post Rita may kaagaw na kay Ken first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *