Rita, Ken kinumpirmang inisnab sila ni Alex

Nabanggit ni Ken Chan at inamin na na-starstruck daw siya sa co-star nila at veteran comedian na rin na si Roderick Paulate.

rita ken kinumpirmang inisnab sila ni alex - Rita, Ken kinumpirmang inisnab sila ni Alex
ken chan 3 - Rita, Ken kinumpirmang inisnab sila ni Alex

Nabanggit ni Ken Chan at inamin na na-starstruck daw siya sa co-star nila at veteran comedian na rin na si Roderick Paulate.

Kaya sinundutan na namin ng tanong sina Ken at Rita tungkol sa “starstruck” issue nang sila ay na-starstruck at nagpaka-fan daw kay Alex Gonzaga bilang vlogger ito nang magkita sila sa Mindanao Airport.

‘Yun nga lang, base sa ipinost ng columnist/manager na si Lolit Solis sa kanyang Instagram account, tila ‘di naman daw pinansin ang dalawa ni Alex.

Itinanggi na rin ni Alex na walang katotohanan ang isyu at nagbatian daw silang tatlo.

Tinanong naman namin ang dalawa kung sakali at may nai-starstruck din sa kanilang artista at lumapit, dededmahin kaya nila?

“Siyempre hindi natin dinededma. Kapwa natin artista, bakit naman natin dededmahin. Dapat lagi tayong friendly,” sabi ni Ken.

Sabi naman ni Rita, hindi na raw dapat palakihin pa ang isyu.

“Alam niyo, sana po, unang-una po, hindi naman po dapat gawing isyu. Unang-una po, wala rin naman po sa amin ‘yun ni Ken.

“Sana po, ‘wag na nating palakihin pa. Tapos na po ‘yun at okay na po kami ni Alex. ‘Yun po ang pinaka-importante. Okay na po, all is well.”

Dugtong pa ni Rita, “Kung ano man po ang nangyari noon, okay na po, naiintindihan po namin ni Ken dahil kami rin naman po ay artista.

“Maaaring noong panahon na ‘yun, may pinagdadaanan lang siya or pagod siya. Honestly, sa amin po, hindi naman po ‘yun big deal sa amin. Sana po, ‘wag na po nating palakihin pa.”

Sa isang banda, napaka-blessed naman nina Rita at Ken ngayon o ng RitKen na mula sa aksidenteng love team nila sa “My Special Tatay”, heto’t mga bida na sila sa GMA News & Public Affairs na pang-GMA Telebabad na “One of the Baes”.

Sabi nga namin, ano sa tingin nila ang special sa love team nila na ang daming nagkakagusto?

“Natural lang po talaga kami, hindi namin pinipilit. Kung ano po ang lumabas sa eksena, ‘yun po ‘yun,” sabi ni Rita.

Sey naman ni Ken, “Sa tingin ko po, ang pinaka-importante, ‘yung trust. Sobrang trusted namin ni Rita ang isa’t isa. Parang mas marami pa siyang alam kesa sa nanay ko.

“Kaya tuwing gagawa kami ng eksena, magaan at parang kabisado na namin ang isa’t isa. Kahit wala sa eksena, basta tinginan lang namin sa isa’t isa, alam ko kung nagugutom na siya, inaantok o sinusumpong na siya ng acid reflux niya.

“Parang kabisado ko na siya kaya pagdating sa mga eksena, parang totoo na, parang Rita and Ken na sa mga eksena.”

At sabi pa ni Ken, “Sa tingin ko ‘yun ang pinaka-maipagmamalaki ko dahil mahirap mahanap sa isang katrabaho ‘yung trust. At nahanap ko ‘yun sa kanya.”

Ang “One of the Baes” ay sa Lunes na, September 30, kapalit ng “The Better Woman”. (Rose Garcia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *