Rita Daniela proud fan ni Kathryn

Fan girl mode pa rin si Rita Daniela at very proud siya sa moment na nakasama niya si Kathryn Bernardo sa isang photo na pinost niya sa Instagram.

rita daniela proud fan ni kathryn - Rita Daniela proud fan ni Kathryn
rita x kath - Rita Daniela proud fan ni Kathryn

Fan girl mode pa rin si Rita Daniela at very proud siya sa moment na nakasama niya si Kathryn Bernardo sa isang photo na pinost niya sa Instagram.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Everything, and I mean everything, is about strong, powerful women.” -Jesse Peyronel ✨ ————— It’s always nice seeing you, @bernardokath ッ”

Nakatanggap ng 57,000 plus likes ang photo sa IG at 562 comments.

Ikinatuwa lalo ni Rita at ng mga fan nito ang pag-acknowledge ni Kathryn sa pinost na photo nilang dalawa. Nag-comment ang Kapamilya star ng three heart emojis sa post ng Kapuso star.

Aminadong big fan si Rita ng love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ginawan pa raw niya ng song ang KathNiel pagkatapos niyang mapanood nang ilang ulit ang pelikula nilang “The Hows Of Us”.

Noong anniversary nga ng KathNiel, ang pinadalang mensahe ni Rita sa dalawa ay “May God bless your relationship more.”

Ikinatuwa naman ng maraming netizen ang pagiging accommodating ni Kathryn sa mga artista ng GMA-7. Hindi raw tulad ni Alex Gonzaga na opposite sa magandang ugali ni Kathryn. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *