Rio Locsin nahirapan sa ‘Kargo’

Rio Locsin nahirapan sa ‘Kargo’

Kilala si Rio Locsin sa pagganap bilang butihing ina sa mga serye at pelikula, pero ngayon ay makapigil-hiningang aksyon ang handog ng batikang aktres sa pakikipaghabulan, taguan, at barilan niya sa mga sindikato kasama ang breakout “Eerie” star na si Gillian Vicencio sa original series ng iWant na “Kargo”.

rio locsin nahirapan sa kargo - Rio Locsin nahirapan sa ‘Kargo’
rio locsin - Rio Locsin nahirapan sa ‘Kargo’

Ginawang palamura, talakera:

Ni: Dondon Sermino

Kilala si Rio Locsin sa pagganap bilang butihing ina sa mga serye at pelikula, pero ngayon ay makapigil-hiningang aksyon ang handog ng batikang aktres sa pakikipaghabulan, taguan, at barilan niya sa mga sindikato kasama ang breakout “Eerie” star na si Gillian Vicencio sa original series ng iWant na “Kargo”.

Inilunsad sa iWant app noong Biyernes (Oktubre 11) ang unang Star Creatives digital series kung saan gumaganap si Rio bilang Lola Tere, isang astiging taxi driver na hinahanap ang lumayas niyang apo na si Hannah (Gillian).

Mangyayari ang hiling ni Lola Tere na muli silang magkasama ni Hannah, ngunit ang hindi niya alam ay may malagim itong kapalit: kailangan niyang tulungan ang apo na itapon ang bangkay ng karelasyon nitong si Prinz upang makaligtas mula sa kamay ng mga sindikatong tumutugis sa kanya.

Dito mag-uumpisa ang kanilang laban para sa kaligtasan mula sa mga kriminal na gagawin ang lahat para mapatay ang dalawa. Pilit naman silang tutulungan ni Reyven (Markus Paterson), ang bagong karelasyon ni Hannah, para makaiwas sa kapahamakan.

Sa kabila ng panganib, patutunayan ni Lola Tere ang kanyang pagmamahal sa apo at gagawin ang lahat upang siguraduhing ligtas ito. Ngunit mas malaking problema pa ang kanilang haharapin sa unti-unting pagsiwalat ng mga sekreto ng nakaraan na tuluyang babago sa kanilang pamilya.

Makaligtas kaya sila mula sa kapahamakan nang magkasama?

Ang original digital series ay sa ilalim ng direksyon ni Julius Alfonso.

Naglalaman ng pinakamaraming Filipino video content, ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.

Panoorin ang “Kargo” sa iWant app o sa iwant.ph.

“Nakakatakot! Nakaka-bother!” reaksiyon ng isang manunulat na nakapanood na ng Kargo.

“Na-bother ako, kasi parang lahat ng character sa serye na ito, puro negative. Na-bother ako na may ganito palang lugar sa Pilipinas, may ganitong sitwasyon,” sabi pa ng naturang beteranong manunulat.

Para kay Rio, nahirapan siya sa teleseryeng ito.

“Unang-una, malayo ang karakter ko sa pagkatao ni Lola Tere. Hindi ako nagmumura in real life. Si Lola Tere, palamura siya. Hindi ako ganu’n magsalita, dahil malumanay ako sa totoong buhay.

“Nahirapan ako dahil lahat ng kasama ko sa ‘Kargo’, puro baguhan, or ngayon ko lang talaga nakasama. Inisip ko nga, paano ko ba gagawin ito? Mahirap kasi ‘yung role, at mahirap kasing umarte na ang mga kaeksena mo hindi mo masyadong kilala, or hindi mo talaga kilala,” sabi pa ni Rio.

Pero, dahil mahusay na artista si Rio, sa tatlong episode na napanood ko, bongga talaga ang drama niya, at hindi mo mahahalata na nahirapan, nanibago siya, ha!

“Ito ang role na hindi ko inaasahan na darating pa sa akin, o gagawin ko pa,” saad na lang ni Rio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *