Richard nakipaglaro sa 54 pating

Sa Monday pa lang ang dating sa bansa ni Richard Gutierrez mula sa Honolulu, Hawaii, pero naka-schedule na kaagad siyang umalis pa-Florida, USA on May 7.

The post Richard nakipaglaro sa 54 pating appeared first on Abante News Online.

richard nakipaglaro sa 54 pating - Richard nakipaglaro sa 54 pating
chard 1 - Richard nakipaglaro sa 54 pating

Sa Monday pa lang ang dating sa bansa ni Richard Gutierrez mula sa Honolulu, Hawaii, pero naka-schedule na kaagad siyang umalis pa-Florida, USA on May 7.

Pero kung sa Hawaii ay kasama niya ang mag-ina niyang sina Sarah Lahbati at Zion, sa Florida naman, ang twin-brother­ niyang si Raymond Gutierrez ang makakasama niya. Invited sila roon ng isang international watch brand.

Sila raw ang napiling male celebrities from the Philippines para sumama sa event doon ng nasabing international watch brand kung saan ay a-attend din ang isang A-list Hollywood actor.

“Surprise” yata ang A-list Hollywood actor na ‘yon kaya bawal pang isulat.

Kasama ng twins na pupunta sa Florida ang mag-inang Marilen at Rambo Nuñez.

Sounds familiar ba ang name ni Rambo? Well, siya kasi ang boyfriend ni Maja Salvador.

Tumutulong si Rambo sa event company ng kanyang nanay, kaya very showbiz rin naman ang dating ng binata.

Actually, maraming­ entertainment press ang close kay Rambo. Bata pa lang si Rambo ay maraming mga taga-showbiz na ang kakilala siya dahil kasa-kasama siya noon ni Tita Marilen sa mga Goma Cup.

Ma-PR itong boyfriend ni Maja like his mom. Event ang pupuntahan ni Rambo sa Flori­da, kaya imposibleng isama niya si Maja, huh!

Going back to ­Richard and Raymond, kung sa Maui ay sobrang bonding sila, mas makakapag-bonding sila sa Florida.

Kuwento sa akin ni Raymond kahapon (na gising na ng 4:00AM at may jet lag pa raw kasi siya dahil kagagaling nga lang niya sa Maui noong Monday night), ang alam daw niya ay magpapaiwan sa Florida si Richard dahil, “He will extend to dive. Gusto niyang makakita ng sharks.”

Diving again? Sa Maui at Honolulu, ilang beses ding nag-diving si Richard kasama si Sarah.

Sa last dive nga nila roon nang magkita kami last Wednesday, 54 sharks daw ang nakita nila, sabi ni Sarah.

Kevin, Kris Tiffany ‘di pa summer-ready

Kahapon, humarap sa entertainment press ang new hosts ng “Cooltura”, ang travel and art show ng IBC-13 na simula sa Tuesday, 7:30PM ay may new hosts na.

Ipinakilala nga kahapon ni IBC-13 President/CEO Kat de Castro sina Kevin Lapeña at Kris Tiffany Janson bilang new hosts ng “Cooltura.”

Si Kevin ay nag-artista na noon sa TV5 at naging parte ng “Lipgloss.”

May mga eksena nga siya noon na naka-trunks at hunk naman talaga siya, kaya baka sa ibang episodes ng “Cooltura” kung saan ay may beach feature sila ay baka mag-trunks lang siya, pero paghahandaan pa niya ‘yon.

Sa ngayon daw, hindi handa ang kanyang abs. Hahaha!

Si Kris Tiffany naman, kahit na nag-swimsuit na noon sa pagsali niya sa Miss Intercontinental 2014 kung saan nag-second place siya, hindi comfortable sa ganoon, pero puwede rin naman at depende nga sa episode.

Nakasama nga pala si Kris Tiffany sa “Last Fool Show,” kaya ok lang sa kanya na mag-artista rin like Kevin.

Ayon nga pala kay Kat, kahit nakasama na niya noon sa ABS-CBN na nag-host ng “Trip Na Trip” si Kevin, dumaan pa rin ito sa audition bago nga napiling mag-host. Si Kris Tiffany, nag-audition rin daw.

The post Richard nakipaglaro sa 54 pating appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *