Richard nag-enjoy sa pag-iyak kay Elisse

Naaliw ako habang kausap ko kahapon si Richard Gutierrez dahil katabi niya ang bunsong anak na si Kai. Si Richard mismo ang nag-aalaga kay Kai.

richard nag enjoy sa pag iyak kay elisse - Richard nag-enjoy sa pag-iyak kay Elisse
richard 1 - Richard nag-enjoy sa pag-iyak kay Elisse

Jun Lalin Anything Goes 20 336x224 - Richard nag-enjoy sa pag-iyak kay ElisseNaaliw ako habang kausap ko kahapon si Richard Gutierrez dahil katabi niya ang bunsong anak na si Kai. Si Richard mismo ang nag-aalaga kay Kai.

“Feeling ko, na-miss ka masyado ni Kai dahil sunod-sunod ang work mo lately,” sabi ko kay Richard.

Dinig na dinig ko kasi si Kai habang kausap ko ang tatay niya. Parang ang gulo-gulo ng bata.

“Wait, Kai, I’m talking to your Tito Jun,” sabi ni Richard sa anak.

Lately kasi ay sunod-sunod ang trabaho ni Richard. Nag-taping siya para sa teleserye nila ni Bea Alonzo at kasabay ang shooting naman ng movie nila with Angelica Panganiban at ginawa rin niya ang “My Handsome Boss” episode ng “Maalaala Mo Kaya” na ipapalabas na ngayong Saturday, 8:30PM, sa ABS-CBN at nag-guest pa sila ni Sarah Lahbati sa “ASAP Natin ‘To” noong Sunday para sa official announcement ng wedding nila sa March 2020.

“Oo nga, hindi kasi sanay si Kai, pati si Zion, na palagi akong wala sa bahay. Sunod-sunod kasi ang work ko lately.

“Pero ngayon naman, nandito lang ako sa bahay, kaya bonding kami ni Kai. Nasa school pa si Zion, kaya pag-uwi niya mamaya, kami na magkaka-bonding,” sabi ni Richard.

Ikinuwento ko kay Richard na as of 1:00pm kahapon, naka-more than 1.5 million views na sa Facebook page ng MMK Official ang video plugging ng “My Handsome Boss” guesting niyang ‘yon.

Marami nga ang nagsasabing cute ang episode kung saan ay kapareha niya si Elisse Joson.

Sabi ni Richard, light lang ang “MMK” episode niya kaya medyo madali lang naman ang taping. Pero may eksena rin na kailangan niyang umiyak.

“I like it. Nag-enjoy ako. Saka nakakatuwa na maraming nagsasabi sa akin na panonoorin nila. First MMK guesting ko ‘yon kaya exciting,” sabi niya.

Sa ngayon, maraming ini-schedule na interview sa kanila ni Sarah ang Kapamilya network tungkol sa iba’t ibang detalye ng kanilang wedding.

Derek, Bato magkasalo sa produkto

May event kagabi sa Manila Private House sa BGC (Bonifacio Global City) na host si Raymond Gutierrez. Launch ‘yon ng isang product kung saan ay endorser si Derek Ramsay at kasama niya si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Bongga, dumarami ang endorsements ng dating PNP chief, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *